Ipinaaaresto ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 ang talent manager na si Annabelle Rama pagkatapos nitong hindi sumipot sa naka-schedule niyang arraignment kaninang umaga, June 11.
Ang arrest warrant ay inisyu ni RTC Branch 92 Judge Eleuterio Bathan.
Ayon sa panayam ng Radyo Inquirer (dzIQ) kay Nadia, “Nag-hearing kami kaninang 8:30, ‘tapos as usual, no-show na naman siya. So the judge ordered a warrant of arrest.”Ito ay kaugnay ng 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng dating aktres na si Nadia Montenegro.
Sabi pa ng dating aktres, sa pagkakaalam niya ay P140,000 ang bail na kailangang bayaran ni Annabelle.
Itinakda ng korte ang arraignment pagkatapos nitong ibasura ang motion to suspend ni Annabelle para sa kanyang hearing.
Hiniling ni Annabelle ang suspensiyon ng kanyang arraignment dahil mayroon daw siyang nakabinbing motion for reconsideration sa city prosecutor na kumukuwestiyon sa April 12, 2012 partial indictment niya.
Mamayang hapon naman daw ay pupunta si Nadia sa Caloocan City Regional Trial Court para sa hiwalay na libel case na isinampa ng kanyang partner na si Boy Asistio laban kay Annabelle.
Samantala, sinusubukan na ng PEP na kunan ng pahayag si Annabelle. Bukas ang website na ito sa anumang reaksiyon na meron siya tungkol sa report na ito.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!