Nangunguna ang mga programa ng ABS-CBN sa primetime block ayon na rin sa AGB Mega Manila TV ratings at Kantar National TV ratings, Kaya naman hindi nakakapagtaka na mas madaming advertisement na pumapasok o mayroon ang ABS-CBN Primetime Bida shows kumpara sa GMA telababad shows.
Sa June 28, 2012 Ad Minutes data, Mas madaming advertisement ang pumasok sa ABS-CBN kaysa sa GMA-7. Mayroong 89 Ad Minutes ang Primetime Bida samantalang 81.6 Ad minutes lamang ang sa GMA-7.
Pero ang 24 Oras ang may pinakamahabang ad time na 18.75 Ad minutes. Sumunod ang Dahil Sa Pag-ibig na may 17.5 Ad Minutes at sinundan ito ng Walang Hanggan na may 16.5 Ad Minutes.
Mapapansin rin na halos buong Primetime Bida Shows , malaiban sa TV Patrol, ay may mas madaming Advertisement kaysa sa Telebabad shows.

.jpg)
















