Showing posts with label Helen Gamboa. Show all posts
Showing posts with label Helen Gamboa. Show all posts

Thursday, April 26, 2012

Helen Gamboa ayaw pa ring kausapin si Sharon Cuneta?

EMOSYONAL si Sharon Cuneta nang hingan siya ng press ng update sa tampuhan nila ng tiyahin niyang si Helen Gamboa-Sotto sa press launch kahapon ng bagong show niya sa TV5 na Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa Delta Theater.
“Takot kasi ako sa kanya (Helen). Ang lagi kong tine-text, si Ciara (Sotto, bunsong anak nina Helen at Tito Sotto),” bulalasng Megastar.

“I think, na-offend siya du’n sa isang line na hiningi ni Wilson Flores (sumulat ng article ni Sharon sa isang broadsheet) sa akin, na hindi ko alam kung anong sobra.”

Paglilinaw ni Shawie, tapos na ‘yung isyu ng Senate presidency (kung saan tumakbo ang mister niyang si Senador Kiko Pangilinan, na hindi umano sinuportahan ng tiyuhin niyang si Senador Tito Sotto).

Wala na raw ‘yon at nailibing na.

Iyung pangalawang ­issue na kesyo nagmamalinis daw si Kiko samantalang ito si ‘Mr. Noted’ sa Senate hearing, hindi raw sila nagsalita about it, pero na-shock siya tungkol doon dahil hindi na ‘yon kailangang sabihin pa.

Nang matapos din ang isyung ‘yon ay hindi raw sila nagsalita ng kahit ano, pero hindi na sila nagkausap ng kanyang Tita ­Helen at never na rin silang nagkita.

“Ang laking gulat ko lang talaga. Kasi, sa fa­mily namin, they were the people who taught me eh -- sila nina Mommy -- na hindi kami naglilinis ng dirty linen in public, ‘di ba? Nagulat ako. It was shocking to me…

Friday, March 16, 2012

Awayang Helen Gamboa at Sharon Cuneta tumitindi !

NAUNGKAT ang itinatagong samaan ng loob sa isa’t isa nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa nang kapwa sila magpainterbyu sa isang broadsheet.
Nagbigay ng reaksyon ang tiyahin ni Sharon na si Helen matapos lumabas ‘yung isang broadsheet interview kay Sharon kung saan tinanong ito tungkol sa hidwaan sa pagitan ng mister nitong si Senador Kiko Pangi­linan at sa tiyuhin nito na si Senador Tito Sotto.

Ang sabi ni Sharon, “Yes, politics does divide families. Like when my uncle says something bad about Kiko, you don’t understand why…”

Nasaktan si Helen sa pahayag na ‘yon ng kanyang pamangkin. Aniya habang naiiyak kay Ricky Lo, “Nagulat lang ako. Why did she say that? Tito also read the article. He said, ‘Oh my God, you know me. I never say anything bad about or against a person.’

“I know that Tito ne­ver said anything bad about Kiko or against Kiko, and God is our witness.”

Lahad ni Helen, naalala niya na nu’ng 2004, si Sen. Tito ang campaign manager ni FPJ sa presi­dential elections habang si Sen. Kiko ay nasa kampo ni dating pangulong GMA.

Sa Senate investigation hinggil sa diumano’y naganap na dayaan sa halalan, si Kiko ang presi­ding officer.

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search