Monday, June 11, 2012

Counter Offer ng GMA-7 tinanggihan ng Miss World Philippines Owner


Noong isang taon ay sa GMA-7 unang napanood ang Miss World Philippines, kung saan nanalo si Gwendoline Ruais na eventually ay nanalo namang Miss World 2011 First Princess.


Ito ay makaraang ibigay ng Miss World organization ang Philippine franchise nito sa beauty and wellness guru at CQ Global Quest Inc. chairperson na si Ms. Cory Quirino.

Nagkataon namang si Cory ang pinili at pinagkatiwalaan ng franchise ng Miss World. Dating nasa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang franchise ng Miss World. Pero nagdesisyon ang Chairwoman at CEO of Miss World Limited na si Julia Morley na ibigay na sa iba ang exclusive license agreement ng Miss World sa Pilipinas.

Ngayong taon ay nagdesisyon si Cory na ibigay sa TV5 ang television coverage ng Miss World Philippines.

Ang grand coronation night ay mapapanood nang live mula sa Manila Hotel Tent sa Hunyo 24 ng gabi sa TV5.
Ginawa ni Cory ang announcement ng partnership ng Miss World Philippines at TV5 sa press presentation ng 25 official candidates ng naturang beauty pageant na ginanap sa Manila Hotel kahapon, June 7.

“This is to formally announce our partnership with TV5. Kaya officially, Kapatid na Kapatid na talaga ang Miss World Philippines.

“We can see that our pageant this year is very exciting kasi po ang pangako ng TV5 ay mas bongga, mas malaki, mas maganda, mas matindi.

“And so we are very hopeful that finally the crown of Miss World will go to the Philippines,” pahayag ni Cory.

Kaya naman sa question-and-answer portion ay hindi nakaligtas si Cory sa tanong ng press kung bakit TV5 ang napili niya pagkatapos ng GMA-7.

“Kasi tulad ng sinabi ko noon when we first talked with Atty. Ray Espinosa of TV5 and Mediaquest, sinabi ko na ang ibinigay ng TV5 po sa Miss World Philippines ay hindi lamang tirahan kundi pati na rin tahanan. Kaya hindi ako maka-hindi sa TV5,” paliwanag ni Cory.

Pagkatapos ng Q&A ay muling kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Cory para sa mas detalyadong pag-usisa tungkol sa isyung ito.

Nagkausap ba sila ng GMA-7 bago niya tuluyang ibinigay sa TV5 ang Miss World Philippines?

“Definitely. Humingi ako ng permiso sa kanila.
Sinabi ko sa kanila na I hope you understand what TV5 offered me. I’m just thinking the future of Miss World Philippines.

“Naintindihan naman nila,” sabi ni Cory.

Aniya nga, “We’re still very close.”Nilinaw rin ni Cory na isang taon lang ang naging kontrata ng Miss World Philippines sa GMA-7 kaya wala naman naging malaking problema.

Sino sa mga GMA executives ang kinausap niya?

“Kinausap ko si Jimmy Duavit, also si Atty. [Felipe] Gozon, at saka si Wilma Galvante at that time. And si Bang Arespacochaga, ang aming EP [executive producer].”

Hindi ba nag-counter offer ang GMA?

“It was too late, e, I already said yes to TV5.”

A LASTING PARTNERSHIP WITH TV5. Gaano siya ka-excited ngayong nasa pangalawang taon na ang Miss World Philippines sa ilalim ng kanyang pamamahala?

“Very excited, very optimistic, and very inspired with TV5 team as my backer. I’m really impressed with their organization,” sabi ni Cory.

Ano ang pinagkaiba ng pakikipagtrabaho sa TV5 kaysa noong nasa GMA-7 pa sila?

“There’s really a basic difference. Well, both GMA-7 and TV5 are both professional networks.

“But the only difference, the basic difference is that TV5 is managing and producing this pageant with a sense of ownership already. Parang kanila na ito.”

Malaking tulong din daw ang TV5 para makapunta sila sa iba’t ibang probinsiya para mahanap ang magagandang kandidata.

“With the help of TV5, we were able to travel all over the country in search of ladies who can best represent the Philippines and the Miss World cause.

“This gives us a better chance in winning the Miss World crown this year.”

Gaano kalaki ang importansiyang ibinibigay sa Miss World Philippines ng TV5?

“I’m very pleased, I’m very happy with their high level of professionalism and commitment to excellence.”“Sobra, sobrang tindi ang importance na ibinibigay ng TV5 sa Miss World Philippines. Tingnan mo naman itong production na ito.

Sa tingin niya ba pangmatagalan na ang partnership ng Miss World Philippines at TV5?

“I feel it, yes. I feel it that it will be.”

SOURCE: Philippine Entertainment Portal
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search