Hindi masyadong type ni Kris Aquino si German Moreno. Ito ang napupuna ng marami. Lalo’t hindi man lang nilapitan ni Kris si Kuya Germs sa natapos na Star Awards kahit halos nasa harapan na niya ang Master Showman.

Siguro ay dahil sobrang Marcos protector amd loyalist si German. Nabanggit din minsan ni Moreno na ang Aquino government (kahit time ni Tita Cory) ay di masyadong nagmamalasakit sa arts and culture kasama na ang film industry. Kumpara kay Madam Imelda Marcos na malaki ang nagawa sa kaunlaran ng showbiz.