Showing posts with label Edu Manzano. Show all posts
Showing posts with label Edu Manzano. Show all posts

Saturday, May 26, 2012

Game 'N Go ng TV5 itatapat sa ASAP!


HANDA na ang paglulunsad ng bagong noontime show ng TV5, ang Game ‘N Go, sa susunod na buwan.

Sina Joey de Leon at Edu Manzano ang magiging hosts ng bagong programang ipalalabas ng Singko tuwing Linggo ng tanghali. Balak ng TV5 na itapat ang Game ‘N Go sa ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA.

Papalitan ng Game ‘N Go ang kasalukuyang show ni Joey tuwing Linggo sa Singko, ang Celebrity Samurai. 

Monday, May 21, 2012

Game 'N Go ng TV5 hindi na itatapat sa Eat Bulaga at Showtime!


Iniatras ng TV5 ang game show nilang Game N Go na tatapat sana sa Eat Bulaga tuwing lunes hanggang Sabado. Ginawa nila itong tuwing linggo na nang tanghali. 
Ang main hosts ay sina Joey de Leon at Edu Manzano.

Thursday, March 8, 2012

Noontime Show ng TV5, naurong ang airing!

Naurong sa March 17 ang pilot ng Game N’ Go, ang game show ng TV5 hosted by Edu Manzano. 
Dapat March 10, na ang airing ng game show, pero hindi pa raw tapos ang renovation ng Delta Theater na ni-rent ng network para rito gawin ang iba nilang shows gaya ng Game N’ Go at ang Sharon Kasama Mo ni Sharon Cuneta.

Ang intriga sa Game N’ Go, ang set designer nito ay dating set designer ng mga show ng ABS-CBN gaya ng Game Ka Na Ba?, Wowowee, at Pinoy Bingo Night.

Tuesday, February 14, 2012

Edu Manzano at Shalani Soledad magiging host ng noontime show ng TV5

Bukas ang big trade-launch ng TV5 para sa mga bago nilang shows.
Bukod sa Felina: Prinsesa ng Mga Pusa, Isang Dakot na Luha at Sharon, ilo-launch din bukas ang noontime show na iho-host ni Edu Manzano.

Kasama ni Edu sa noontime show na ‘yon si Shalani Soledad-Romulo at kinumpirma ng manager niyang si Manay Lolit Solis na darating bukas sa NBC Tent ang TV host/politician para sa event na ‘yon.

Dapat nang i-expect ni Shalani ang mga tanong o pang-iintriga sa kanya bukas tungkol sa pagkawala niya sa show ni Willie Revillame.

Wednesday, November 23, 2011

Edu Manzano pumirma na rin ng kontrata sa TV5



Bukod kay Sharon Cuneta, Si Edu Manzano ay lumipat na rin sa TV5 mula GMA-7. Mas nauna pa siyang naging kapatid kesa kay Megastar dahil after daw ng Ad Congress sa CamSur ay doon pumirma ng kontrata si Edu Manzano.

Mula ABS-CBN ay lumipat si Edu sa GMA-7 pero dahil sa hindi naging successful ang kanyang mga shows sa Kapuso Network ay tinatanggal rin sa ere ang show niyang 'Family Feud'. May bali-balita ring pinapawalang-saysay ni Manzano ang kanyang kontrata sa GMA-7 dahil sa hindi raw ito nasusunod ng Network. 

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search