ANG isang malaking diprensya kung bakit walang solid following sa shows nila ang TV5 ay ‘yung mistulang nasa isang tambiolo ang mga programa nila na paiba-iba ng timeslot.
Nababaliw na ako sa kasusunod kung anong oras o araw ba ang isang show nila.
Natuliro ako sa paiba-ibang oras ng Juicy at ‘yung Face to Face ay naging afternoon na bumalik sa umaga, ang Juicy na umikot from morning to late afternoon ay early morning na after midnight!
Talbog ang ‘Puyatan’ ni Kuya Germs!
Buti na lang, hindi umaangal ang Atty. Persida sa gulo ng programming ng TV5. Buti na lang, ‘di sila idinemanda ni Atty. Acosta, ‘noh?!

