Monday, June 11, 2012

International Stars naniniwalang si Manny Pacquaio ang panalo sa laban!


NAPANGANGA ang sambayanang Pilipino kahapon nang ideklarang panalo si Timothy Bradley sa laban nito sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao via split decision.

Halos umusok ang Twitter sa tindi ng mga reaksyon (dito sa ‘Pinas at maging sa ibang bansa) dahil sa resulta ng Pacquiao-Bradley match.

Halos nagkakaisa ang opinyon ng karamihan na LUTO ang naging desisyon ng judges at NINAKAWAN ng titulo (at championship belt) si Pacman.

Maraming nagulat, nadismaya, na-shock, napikon, nabuwisit, nairita at hindi makapaniwala sa local celebrities na tumutok sa laban.

Pero ano’t anuman ay nadeklara na ang panalo at ‘yun ay ang kalaban ni Pacquiao.

May mga napaisip kung bakit kung kailan napalapit sa Diyos si Manny ay saka ito nakalasap ng pait ng pagkatalo.
At kung kailan nanood ng laban for the first time ang mga anak niya sa Las Vegas ay saka nasaksihan ng mga ito nang live na live ang kanyang pagkatalo.

Ganu’n pa man ay marami pa ring pumuri sa paraan ng pagtanggap ni Manny ng kanyang pagkatalo.

Umiral ang kanyang pagiging mababang loob at maka-Diyos kaya ipinagmamalaki pa rin siya ng mga Pinoy.

Ang nakakatuwa ay hindi lang mga lokal na­ting artista ang nagbulalas ng kanilang disappointment sa major upset na nangyari kay Pacquiao.

Lumabas ang pagka-Team Pacman ng ilan sa international celebrities na ito base sa mga ipinost nila sa Twitter right after the fight…

Justin Timberlake: I cannot believe what I just saw... Please tell me they read that decision wrong... #Rigged

I’m gonna let it go... After I say this... Boxing was RUINED tonight for me.

Jessica Biel: What a joke! I can’t believe they gave it to Bradley.

Miley Cyrus: This just proves that everything boils down to politics. Ugh. Why can’t people just fight fair?! Let the WINNERS win!

Yo, Manny! You just gotta remember what my daddy, Billy Ray Cyrus, always told me, “When you knock ‘em out, you don’t need no judge!”

I couldn’t agree more with the trending topics #mannypacquiaoisstilltheworldsbestboxer
Bruno Mars: Pacman 4 life.

Jessica Sanchez: Congrats to the new winner but I’m still really upset about the results :(

Chris Daughtry: YOU’VE GOTTA BE KIDDING ME!!!! PACQUIAO TOTALLY OWNED THAT FIGHT!!!

Bradley did NOT deserve that win!!!! This is a disgrace!

Oscar dela Hoya: Bradley should have gi­ven the belt and announce victory to Pacquiao right after the decision.

Marlon Wayans: Were we all watching the same fight? Bradley got clearly “fucked up”!

Busta Rhymes: BRADLEY, U CAN’T SLEEP 2NIGHT. THE FEEDBACK IS OVERWHELMING, ISN’T IT?

THE WORLD KNOWS U LOST. DO THE RIGHT THING & GIVE THAT BELT 2 PACMAN!!!

BRADLEY, THE PEOPLE HAVE SPOKEN!! U CAN’T POSSIBLY BRANDISH A VICTORY NO 1 RESPECTS.

DO THE HONORABLE THING AND VOLUNTEER UR BELT 2 PACMAN!

Pagkatapos ng laban, lahat ng nasa Top 10 trending topics sa Twitter Philippines ay may kina­laman sa naganap na boxing match.

Kasama roon ang ‘Mommy Dionisia’ ‘No Hermes’ at ‘PacShet.’ Ang biru-biruan, dahil lost si Pacman ay walang Hermes bag si Mommy D!

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search