Isang malungkot na balita, natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan sa Valenzuela City ang Star Magic artist na si Tyron Perez. Ayon sa Valenzuela police, wala pang opisyal na detalye sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Pero kasama sa iniimbestigahang anggulo ang suicide.
Kinumpirma rin mismo ng mga taong malalapit kay Tyron ang napakalungkot na balita.
Dalawampu’t-anim na taon si Tyron at napanood sa mga teleseryeng “Mula sa Puso”, “Imortal” at “Momay”. -- Bandila, December 29, 2011, ABS-CBN
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!