PASINTABI lang po sa Papa Bobet Vidanes ko at sa darling Cory niya.
Buong bansa yata eh nag-abang kahapon kung anong malaking pasabog ang ihahandog ng bagong It’s Showtime dahil todo-promo ito unlike any other TV shows nor movie about to be shown.
Naglibot ang It’s Showtime sa Kamaynilaan sakay ng isang float na tila naiwan sa parada ng entries sa nagdaang MMFF.
Todo ang plugging sa tv every now and then. Bumili pa ng frontpage sa Abante to announce ang malaking pasabog kahapon.
Tama ang ipinalagay na frontpage: “Mga kapamilya naging madlang people”
Halos buong network ay dito na yata naka-concentrate kahapon. And that’s a fact!
Sa lugar namin ay apat na tv ang bukas at sari-sari ang mga nanonood: driver, security guard, cook, alalay, gym instructor, turon vendor, computer technician, carpenters.
Komo apat na tv ang bukas, mistulang nasa sinehan kami na Dolby digital sounds.
Maya-maya after an hour ay tila ‘yung tv ko na lang ang bukas sa It’s Showtime at tila sina Ryan at Joey de Leon na ang naririnig ko sa tatlong tv.
“Hoy! Bakit n’yo inilipat ang channel?” sigaw ko.
“Eh kasi po, ang gulo ng palabas. Parang halu-halong games ng Wil Time Bigtime, Talentadong Pinoy, Eat Bulaga, Deal or No Deal, Singing Bee, Game Ka Na Ba?, Who Wants To Be A Millionaire?