From a source, itutuloy daw ng ABS-CBN ang Alta, ang soap nina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, at KC Concepcion, pero may pagbabago sa cast. Out na si KC dahil host siya ng X-Factor at ang ibang original cast ay sa ibang show ng network na nilagay.
Siguro naman, kasama pa rin si Gretchen dahil bagay sa kanya ang concept ng show at ang alam namin, namili siya ng mga damit at gamit para sa Alta, hanggang in-announce ng Channel 2 na kanselado na ang serye.
Hindi kami sure kung nasa original cast si Gabby Concepcion, pero binanggit siya sa bagong cast at join daw si Iza Calzado. Si Iza raw ang ipapalit kay KC at babaguhin ang story. If ever totoo, ang Alta ang magiging first soap ni Iza sa Channel 2, pero malapit na siyang mapanood sa MMK.

