Showing posts with label Piolo Pascual. Show all posts
Showing posts with label Piolo Pascual. Show all posts

Tuesday, November 13, 2012

Piolo Pascual ayaw patulan ang mga banat ni Sharon Cuneta sa twitter

AYAW nang patulan ng star ng Star Cinema movie na “24/7 In Love” na si Piolo Pascual ang mga patutsada sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta. Kung tutuusin, nakalalalaki na ang mga banat ni Megastar rito kay Papa P pero nanatiling nakatikom ang bibig ng gwapong aktor.


Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ni Megastar at Papa P dahil kay KC concepcion na dating girlfriend ni Piolo. May mga pinalabas kasi ang kampo ni KC na ang pinag-ugatan raw nito ay noong ma-’caught in the act’ ni Ms. Concepcion sa kwarto supposedly ng aktor ang isang lalaki na lumabas sa mga blind item na isa umanong mang-aawit?

Tuesday, November 6, 2012

Piolo Pascual walang alam sa galit ni Sharon Cuneta

Sana matapos na ang iringan sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at sa fans ni Piolo Pascual. 


Actually, hindi naman sila mismo ng aktor ang may away. Nadadamay na lamang si Piolo sa ginagawang pagtatanggol sa kanya ng kanyang fans sa inaakala nilang pagmamaltrato sa kanya ng ina ng kanyang ex.

Tuesday, August 21, 2012

Kris Aquino, Piolo Pascual Movie is Cancelled

After ng Guni-Guni na ipapalabas na bukas sa mga sinehan, ang next na magsu-showing na movie ng Regal ay ang horror flick din na Pridyider, na hango sa isa sa tatlong episodes sa orihinal na Shake, Rattle & Roll.


Horror din ang nag-iisang filmfest entry ng Regal this year, ang Shake, Rattle & Roll 14.

For the first time ay isang direktor lang ang magdidirehe ng tatlong episodes nito, si Direk Chito Roño.

Friday, June 29, 2012

Benjamin Alves ginagamit si Piolo Pascual para sumikat!

Tama na dapat iwasan ng Benjamin Alves ang diumano eh tiyo niyang si Piolo Pascual at this point in time.

You only hitch on the bandwagon of success, not a has been wagon!


May mga malisyosong nagtatanong pa: Uhum, pamangkin nga kayang tunay ni Piolo ‘yang Benjamin na ‘yan?

Wrong moves ang entry ni Benjamin sa showbiz. Nanggamit kaagad.

Ayaw raw niyang sumagot sa mga tanong ng mga reporter kung pamangkin siya si Piolo. In the first place, sino ba ang nagpakalat na kamag-anak niya si Piolo?

Tuesday, May 1, 2012

Sharon Cuneta may tampo pa rin kay Piolo Pascual

KINUMUSTA namin si KC Concepcion kay Sharon Cuneta.

“KC is fine. You know what, I’m happy to tell you that she is very very happy now. You will see naman, e! Nagpatawad na siya at nag-move-on sa Piolo (Pascual) issue. My prayer also ay mag-move-on na rin ‘yung mga sumama rin ang loob siguro dahil sa break up. Pati ako ay nag-move-on na rin dahil nag-move-on ‘yung anak ko. Anuman ‘yung feelings ko noon, alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ,e! winelcome ko siya with open arms. Pero na-forgive na siya ni KC, ako pa?

“Ang akin lang is, sana man lang ay nag-text siya or nagpakita siya. Kasi alam mo ba since na naging official girlfriend niya si KC, hanggang sa nag-break sila, hanggang sa araw na ito, nag-uusap tayo, never siyang nagpakita sa akin. Never!

“Parang hindi kami sanay sa ganoon. Di ba nu’ng officially boyfriend na siya, di ba dapat, the decent thing dapat sana para mag-bonding ay magpakita ka sa bahay. Nu’ng lumiligaw ka naman, welcome ka rito, e!

“Pasensya na rin po kung may mga nasabi ako afterwards pero siyempre anak ko ‘yun. Kasi pinapasama pa ng ibang tao ‘yung anak ko. Walang ganunan…kasi pag ganun magsasalita ako. Hindi naman ako ‘yung type na makipagbangayan pa sa hindi naman kailangan. Nirerespeto ko ang lahat ng tao na nagtatrabaho lang, di ba?”

Nili-link ngayon si KC sa isang foreign singer?

“Naku, tawang-tawa ako diyan. Si KC..after ng relationship with Piolo, hindi naman sa na-trauma pero maingat. Ingat na ingat siya. So, ang feeling niya is Diyos ko lalo na ito… British…ano ito..hahahaha. Mukhang napakabait naman nu’ng bata..yung lalaki nagte-text, nagti-tweet. Pero my God, kung saan-saang bansa magpe-perform ito. Kung ‘yung Filipino nga , nakakatakot, e kagagaling lang niya rito kay Piolo… baka ma-one million times ang pain niya pag sakali,” sambit pa ni Mega.

Friday, April 27, 2012

'Dahil sa Pag-ibig' bumabagsak na ang rating!

SA TOTOO lang, hindi lamang si Cristine Reyes ang apektado sa pagbagsak ng rating nang Nang Dahil sa Pag-ibig, maging ang mga pangunahin artista rito na sina Piolo Pascual at Christopher De Leon ay apektado din dahil sa kung hindi daw magbago ang lackluster rating ng show, siguradong matsutsugi ito sa ere.

Naapektuhan ang rating ng Nang Dahil sa Pag-ibig dahil sobrang nega talaga ngayon ni Cristine Reyes buhat ng magpasabog ito ng mga text messages patungkol sa kanyang Ate Ara Mina. Dagdag pa riyan na kaliwa’t kanan ang banat ngayon ng mga entertainment press rito lately.

Dapat siguro mag-sorry rin itong si Cristine roon sa mga sinabihan niyang reporter na cheap raw. At bago pa man tuluyang malaos itong si Reyes, mas mabuting gumawa na siya ng hakbang para maayos ang mga gusot nito sa movie press.

PINOY TV POLICE COMMENT:
Natatalo na ng My Beloved ang Dahil Sa Pag-ibig sa Mega Manila pero minsan ay nanalo naman ang serye ni Cristine at Piolo. Sa National Tv Ratings naman ay panalo pa rin ang Dahil Sa Pag-ibig. Malaki ang agwat ng ratings ng Dahil Sa Pag-ibig at My Beloved. SEE FULL TV RATINGS HERE

Wednesday, April 11, 2012

Kris Aquino mas malaki ang kinita kaysa kina Willie Revillame at Sharon Cuneta

The Bureau of Internal Revenue (BIR) has released its list of Top 500 Individual Taxpayers for 2010.

The list includes prominent names in the local entertainment industry.



Based on the list, writer/director/film producer Carlo J. Caparas is the highest-paid and top taxpayer among those in showbiz.

Caparas ranked No. 3 overall, behind business magnates Vicente Lao and Rolando Hortaleza.

He had a total taxable income of P205.3 million for which he paid P65.6 in taxes.

THE STARS. Queen of All Media and presidential sister Kris Aquino is at No. 17 with a total taxable income of P101 million, for which she paid P32.3 million in taxes.

TV host Willie Revillame placed 21st on the list. The Wil Time Bigtime host had a total taxable income of P82 million and paid P26.5 million in taxes.

Comedian Michael V. (Beethoven Bunagan in real life) is at No. 40—having a total taxable income of P65.5 million for which he paid P20.9 million in taxes.

Megastar Sharon Cuneta ranked 58th with a total taxable income of P52 million for which she paid P16.6 million in taxes.

Pop Star Princess Sarah Geronimo is at No. 67. The singer-actress paid P14.8 million in taxes from her total earnings of P46.4 million.

Matinee idol Piolo Pascual placed 76th. He had a total taxable income of P40.8 million and paid taxes amounting to P13 million.

Kapuso primetime queen Marian Rivera is at No. 86 with a total taxable income of 37.2 million for which she paid 11.8 million in taxes.

Box-Office King John Lloyd Cruz placed 95th on the top list. He had a total taxable income of P34.2 million for which he paid P10.9 million in taxes.

Dramatic actress Claudine Barretto is at No. 99 with a total taxable income of P33.4 million; she paid P10.6 million in taxes.

Friday, January 13, 2012

Piolo Pascual: I know myself and I know I’m not gay

Finally, Piolo Pascual breaks his silence about the rumors on his gender. 

In an interview Piolo said:

“I’d probably admit I’m a mama’s boy. If people say I’m effeminate, then that’s okay because that’s the way my mom brought me up. But she also brought me up to be independent, focused and spiritual. I know myself and I know I’m not gay”

Wednesday, December 21, 2011

TV5 pinepersonal si Piolo Pascual ?




Pinepersonal nga ba ng TV5 si Piolo Pascual? Ito ang reklamo ng maraming fans ng aktor na tumawag sa telepono ko sa aking programa sa radyo.

Feeling nila, dahilan ito sa hindi nila nakuha ang serbisyo ng Kapamilya actor.

Tantanan na natin si Piolo! Hiwalay na sila ni KC Concepcion. Let’s allow them to move on. Pareho lang naman silang nasaktan. ’Yun nga lang sa ginawang paglalahad ni KC, hindi niya nakuha ang simpatiya ng lahat. Merong hindi pumabor. At ang patuloy na pananahimik ni Piolo ang dahilan para isipin ng marami na baka hindi lamang si KC ang biktima ng pangyayari kundi ang binata rin.

Saturday, December 17, 2011

Carlos Agassi at Piolo Pascual Picture Scandal




EXCLUSIVE ON PINOY TV POLICE: Nagkaroon ng intriga sa photos na pinost ni Carlos Agassi sa kanyang Facebook account kung saan naka-boxer siya at naka-topless naman si Piolo Pascual. 

Ayon sa FB Post ni Carlos, birthday niya ng araw na yun at maagang dumating sa kanyang condo unit ang kanyang kaibigan na si Piolo Pascual. Nang dumating si Piolo ay naka-boxer lang si Carlos dahil nag-ggym ito.

Tuesday, December 6, 2011

Cristy Fermin never nang papansinin ni Piolo Pascual




PITY naman for the old and obese Ferminata Andalucia (Hahahahahahaha!) because no matter how incriminatingly personal ang isulat niya laban kay Piolo Pascual, the hunk actor has come to the point that he’s already made a firm resolve never again to entertain the vituperative allusions that this obese and mercenary matrona religiously writes in her cheap Tagalistic columns. Hakhakhak!

Honestly, Papa P has supposedly made a resolution never to pay any scant attention to whatever this diabolical matrona has been harping in a highly deleterious manner in her cheaply written columns. Hakhakhak!

Cheaply written columns raw, o! Hahahahahaha!

Saturday, December 3, 2011

Plastikada talaga!: Cristy Fermin todo tanggol noon kay Piolo, ngayo’y ipinasisigawang bakla ang actor



NOONG nasa Kapamilya network pa si Golden Orocan Queen na si Manang Cristy Fermin, todo tanggol siya sa kanyang anak-anakan kuno na si Piolo Pascual. May dialogue pa nga ang pinaka-plastikadang nilalang sa showbiz na makikipagpatayan kuno siya para sa actor lalo na kapag kinanti mo ito. Kapag kaharap mo naman ito at ang topic ay ang pinagdududahang gender ni Papa P., makikipag-debate talaga siya at sasabihin niya sa mga kaharap na lalaking-lalaki ang actor at kung dumating man daw sa puntong nakipagtikiman noon si Piolo sa kapuwa niya mhin, definitely ay ang actor ang lalaki at bading ‘yung humada sa actor. O di ba naman? Very motherly talaga si Chakitang Ferminata sa kanyang minamahal (etching!) na morenong aktor.

Friday, December 2, 2011

ABS-CBN ginagamit si Maricar Reyes para patigasin ang pagkalalaki ni Piolo Pascual



AMININ man o hindi, dahil sa pag-iyak, pagiging kaawa-awa ni KC Concepcion sa interview sa kanya sa The Buzz noong Linggo, muling nabuhay ang isyung bakla raw si Piolo.

Malinaw kasi na sa mga proclamation ni KC, puwede ngang mag-one plus one ang marami na yun ang nais ipakahulugan ni KC sa ilang quotes niya.

Sa ngayon, sinasabing sobrang affected ang ABS-CBN dahil malaking kasiraan ito kay Piolo. Sa panahong halos nangungulelat na ang aktor dahil sa rami ng mga aktor na naungusan na siya, ayan nga’ng trahedya sa kanyang gender image. Muling umapaw ang mga puna, and because of this, sabi nila, gumagawa raw ng hakbang ang ABS-CBN para nga muling itirik ang nagibang imahe ni Piolo.

At isa si Maricar Reyes sa sinasabing ginagamit ngayon upang patigasin ang pagkalalaki ni Piolo.

Na kesyo nga si Maricar ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break up si Piolo kay KC.

Parang hindi naman kami makapaniwala sa lumalabas na tsismis na si Maricar Reyes daw ang third party sa hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion.

Ang pinalalabas ngayon, may nakakita raw kina Maricar at Piolo na magkasama sa isang lugar na hindi naman binanggit kung saan.

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search