Showing posts with label willie revillame. Show all posts
Showing posts with label willie revillame. Show all posts

Monday, April 22, 2013

ABS-CBN di na kukunin si Willie Revillame dahil sakit daw sa ulo?

NAGSALITA na ang Vice-President for Corporate Communications ng ABS-CBN na si Mr. Bong R. Osorio, at ito ay with finality na hindi na makababalik sa kanila si Willie Revillame.


Hindi na raw sila kukuha nang ikasasakit ng kanilang ulo.

Friday, November 23, 2012

Willie Revillame lilipat ng GMA7 o babalik ng ABS-CBN?

NAGIGING palaisipan ngayon kung ano ang announcement ni Willie Revillame sa January 5, 2013? Totoo ba na last telecast ‘yun ng Wil Time Big Time? Pinaghahanap na rin daw niya ng ibang mapupuntahan ang kanyang mga staff at dancers. “Akala ninyo nagbibiro ako? Seryoso ako… may huling araw po ako rito—January 5,” nakaka-shock niyang pahayag sa kanyang programa noong Nov. 20


“January 5, abangan ninyo, mag-a-announce ako ng desisyon kung ako’y magtutuloy pa sa programang ito,” pahayag niya sa Wil Time Big Time. Ano ang sorpresang gagawin ni Willie next year na sa Enero rin ang kanyang kaarawan?May mga isyu rin na may offer daw sa kanya ang ABS-CBN 2 na bumalik at mas malaki ang TF? May nagsasabi rin na baka sa Kapuso Network ito lilipat. O, mananatili siyang Kapatid at magkakaroon ng bagong programa at oras?

Tulad ni Shalani, Grace Lee gagamitin lang ni Willie Revilame

HISTORY repeats itself sa pagitan nina Konsehala Shalani Soledad at TV host na si Grace Lee. Nung maingay na maingay pa ang name ni Shalani, ito ‘yung mga panahong kahihiwalay pa lang nila ni PNoy, sobrang atat sa kanya si kuyang Willie Revillame to the extent na para mapapayag lang ang magandang politician host ay milyones ang ibinayad sa kanya.


Alam naman kasi ng yabangerong comedian/host na bayaran man niya ng milyon si Shalani ay apaw-apaw na salapi ang babalik sa kanya dahil kakagatin ito ng kanilang televiewers. At nagtagumpay nga siya (Willie).

Thursday, November 8, 2012

Wil Tower ni Willie Revillame, kulang kulang sa requirements?

NILAGYAN na ng bubong ang kalsadang malapit sa kinatitirikan ng building ni Willie Revillame.


Mahigit isang taon din daw ang nagdaan bago nila naisip na maglagay ng proteksiyon sa mga tao at sasakyang dumadaan sa tapat ng gusaling ginagawa. Nagtataka nga ang iba kung bakit ngayon lang nila ito ginawa. Masyado raw malakas sa mga kinauukulan ang TV host/comedian. Nabigyan sila ng building permit gayong kulang pa sila sa requirements.

Thursday, July 19, 2012

TV5 iniksian ang oras ng Wil Time Bigtime at bawal na itong mag-overtime


‘Katuwa ang presscon ng TV5, kung saan, ini-launch ang mga bagong shows nilang Third Eye, Enchanted Garden at Artista Academy. Ang da­ming artista sa venue ng presscon/launching, kaya lang nag-alisan agad.


Agad nawala sina Cesar Montano, Marvin Agustin at Ruffa Gutierrez. Absent sina Rufa Mae Quintoat Edgar Allan Guzman na parehong may sakit. Hindi na rin namin nakita sina Daniel Matsunagaat Zoren Legaspi.

Anyway, starting July 30, may pagbabago sa primetime block ng TV5, papasok ang Enchanted Garden ng 6:30 pm., bago ang Wil Time Bigtime na one hour and a half na lang at susunod ang Artista Academy. Sanay sa mahabang oras ng kanyang show si Willie Revillame, sana nga hindi siya mag-overtime para pumasok sa oras ang AA.

Tuesday, June 5, 2012

Willie Revillame nagpasalamat sa TFC!


SAN FRANCISCO, CA. --- Kung matagumpay ang Wil Time Bigtime/KTV5 (Kapatid TV5 International) launch show sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, mas matagumpay ang launch show sa Bill Graham Civic Auditorium noong Miyerkules.

Sobrang saya ni Willie Revillame at hanggang noong Linggo na pabalik na kami sa Pilipinas ay hindi pa rin matigil-tigil ang pasasalamat niya sa lahat ng naging bahagi ng malaking tagumpay rito ng Kapatid network launch.

Nang magkita kami ni Willie sa after show blowout sa The Law Offices of Michael J. Gurfinkle (at ng misis niyang si Millie), panay ang tanong niya sa akin kung ano ang feedback sa Pilipinas ng launch dito sa Westcoast ng KTV5.

Sabi ko kay Willie, nakakarating sa atin ang tagumpay sa L.A. at Bay area ng Wil Time Bigtime/KTV5 launch shows.

Monday, May 28, 2012

Shalani Soledad malaki ang utang na loob kay Willie Revillame


AKTIBO ulit sa telebisyon si Konsehala Shalani Soledad-Romulo pagkatapos mag-asawa at mawala sa Wil Time Big Time para sa TV show nilang Game ‘N Go.

Magsisimula ito sa June 17, Linggo, 12:30 ng hapon, sa TV5 kung saan ay kasama niya sina Joey De Leon, Edu Manzano at Gelli De Belen.

Tinanong siya kung paano na ang honeymoon stage nila ng kanyang mister?

“Ang Game ‘N Go will have more games. So, it will be game, after game, after game,” tugon niya.

Tinanong kung ano ang pagkakaiba ni Joey de Leon kay Willie Revillame na nakasama niya sa show. Wala raw intro song number si Joey at back-up dancer kaya nagtawanan ang lahat.

Hindi ba sumama ang loob niya sa Wil Time Bigtime ni Willie Revilame dahil hindi na siya nakabalik sa show pagkatapos siyang ikasal?

Tumawa muna si Shalani: “Of course, there are some things that happened na hindi mo naman din inaasahan, na hindi mo rin naman gusto. But then, you also have to move on. Kasi, that’s how life goes.“ So, you just try to accept changes in our lives and we always look forward and always hope for the best,” tugon niya.

Hindi pa rin daw sila nagkikita ni Willie mula nang mag-asawa siya.

Thursday, February 9, 2012

Shalani, sinisiraan ng kampo ni Willie Revillame

Kawawa naman si Konsehala Shalani Soledad-Romulo, na­wala na sa programang Wiltime Big Time
napagbibintangan pa ng kung anu-ano. Kesyo gagamitin lang niya ang show para sa political career nilang mag-asawa. Hindi ba siya puwedeng mawala sa show ng walang ganitong isyu at intriga? I’m sure masakit ito para sa kanya dahil hindi naman siya nagprisinta sa programa, siya ang kinuha ng show.

Ngayon they are saying na hindi naman siya kawalan sa prog­ra­ma. Bakit naman? Nung nandun naman siya, she gave her best, kuntento naman sila sa trabaho.

Nag-asawa lang siya, sumama na ang imahe niya at maging siya sa kanila?

Monday, November 21, 2011

Camille Villar magiging Co-Host sa Wiltime Bigtime



Magsisimula sa Miyerkules ang co-hosting job ni Camille Villar sa Wiltime Bigtime. One week lang ang commitment ni Camille habang nasa bakasyon si Mariel Rodriguez.


Tinanggap ni Camille ang offer na maging temporary co-host nina Willie Revillame at Shalani Soledad dahil sa kagustuhan niya na mapalapit sa masa.

Wednesday, October 5, 2011

Willie Revillame na-hurt sa biglaang pag-aasawa ni Shalani Soledad?




HURTING ba si Willie Revillame ngayong napababalitang plano nang pakasal ni Shalani Soledad sa boyfriend nitong si CongressmaN Roman Romulo?

Last Saturday kasi, parang inalaska nito ang kanyang co-host na Konsehala ng Valenzuela sa umpisa ng show nilang “Will Time Big Time.”

Pangiti-ngiti lang si Shalani. Wari’y hindi nga alam kung paano siya magri-react. Nakabibingi naman ang sigawan ng audience sa loob ng studio doon sa TV5.

“Hindi na kayo mga teenager!” ani Willie kay Shalani. “Pakakasalan na agad kita kung ako. Kung ako… ha? Halika na, hahawakan ko ang kamay mo at after ng show natin…eight o’clock o eight thirty, yayayain na kita.

“Naka-ready na ang pari, naka-ready na ang singsing, at naka-ready na rin ang pamilya ko.”

Thursday, September 1, 2011

SCOOPS: Willie Revillame nagtatampo kay Lito Camo?


Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal ay may tampo si Willie Revillame kay Lito Camo dahil sa pag-compose ng bagong kanta ng huli para kantahin ng ABS-CBN Noontime show hosts na sina Randy Santiago, John Estrada at Rico Puno. Ang title ng kanta ay "Na Na Na" na kinakanta sa noontime show ng ABS-CBN na "Happy Yipee Yehey!"

Ang paliwanag ni Lito Camo ay siya ay contract composer ng ABS-CBN kaya wala siyang say na tumanggi sa kung ano mang gustong ipaggawa sa kanyang kanta ng ABS-CBN dahil nga binabayaran siya nito at malaki ang utang na loob niya sa tv network.

Dagdag pa ni Mr. Camo, Hindi niya daw kinompose ang kanta para awayin si Willie Revillame dahil ang turing niya daw kay Willie ay isang mas matandaang kapatid.

May mensahe pa si Lito Camo kay Willie Revillame na sana daw ay 'wag kalimutan ni Revillame na isa siya sa mga naging totoong kaibigan ng Wiltime Bigtime Host. At sana raw ay matuto itong magpatawad sa mga taong sa tingin niya ay sinagasaan at sinaktan siya. Dahil maikli lang daw ang buhay.

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search