QUITE depressingly, walang bagong putahe ang inihanda ng bagong show nina Ogie Alcasid at Michael V lalong-lalo na sa segment na panauhin nila si Annabelle Rama.
Nagkakaisa ang mga nakapanood ng pilot episode na ‘yon nitong Linggo—ourselves included—na ilang beses na naming narinig at napanood ang pagtalakay sa likas na ugali ng feisty manager.
It lacked “gulat factor,” na inaantabayanan ng mga viewer ang mga never-before-told revelations ni Annabelle, but the way the interview went, kung hindi lang napakaagang matulog ng gabing ‘yon, any bored viewer would want to visit Dreamland and wake up to a sunny Monday morning.

