Tuesday, February 7, 2012

Pilot ng IT'S SHOWTIME, magulo!


PASINTABI lang po sa Papa Bobet Vidanes ko at sa darling Cory niya.
Buong bansa yata eh nag-abang kahapon kung anong malaking pasabog ang ihahandog ng bagong It’s Showtime dahil todo-promo ito unlike any o­ther TV shows nor mo­vie about to be shown.

Naglibot ang It’s Showtime sa Kamaynilaan sakay ng isang float na tila naiwan sa parada ng entries sa nagdaang MMFF.

Todo ang plugging sa tv every now and then. Bumili pa ng frontpage sa Abante to announce ang malaking pasabog kahapon.

Tama ang ipinalagay na frontpage: “Mga kapamilya naging madlang people”

Halos buong network ay dito na yata naka-concentrate kahapon. And that’s a fact!

Sa lugar namin ay apat na tv ang bukas at sari-sari ang mga nanonood: dri­ver, security guard, cook, alalay, gym instructor, turon vendor, compu­ter technician, carpenters.

Komo apat na tv ang bukas, mistulang nasa sinehan kami na Dolby digital sounds.

Maya-maya after an hour ay tila ‘yung tv ko na lang ang bukas sa It’s Showtime at tila sina Ryan at Joey de Leon na ang naririnig ko sa tatlong tv.

“Hoy! Bakit n’yo inilipat ang channel?” sigaw ko.

“Eh kasi po, ang gulo ng palabas. Parang halu-halong games ng Wil Time Bigtime, Talentadong Pinoy, Eat Bulaga, Deal or No Deal, Singing Bee, Game Ka Na Ba?, Who Wants To Be A Millionaire?
Bakit pa kasi pinalitan ‘yung dati eh mas gusto namin ‘yun. Mas maganda pa ‘yun!” sagot nu’ng driver ko.

Kunsabagay eh ganoon din ang opinyon ko!

Maya-maya, nu’ng patapos na ang It’s Showtime ay nagkaisa na naman ang sounds ng apat na tv.

Inilipat na naman pala ng mga dyulalay sa It’s Showtime, kasi nga, bumalik sa last portion ang dating format ng Showtime. Meaning, ‘yun pa ring dating format ng Showtime ang type panoorin ng mga miron na ito.

And so, ipinaliwa­nag ko naman ang hindi madeklara ng Showtime kung ano. Na lumipat nga sila ng oras ay hindi naman direktong itinapat sa oras ng Eat Bulaga ito dahil hindi sila war freak at walang intensyon na kumpetensyahin ang Eat Bulaga.

Pati si Willie Revillame, nambola na naman at hindi naman sumipot kahapon sa Eat Bulaga gaya ng pramis niya.

So, sabi ko naman sa mga miron, hintayin n’yo na lang at may mga bagong pagbabago pa ang ilalabas diyan.

Umpisa pa lang kasi ‘yan, unti-unti ay makakaisip sila ng mga bagong games at sigurado akong tututok na kayo uli diyan sa Showtime. 

Si Vice Ganda lang ang hindi bagay sa hosting. Hindi dapat maiba ‘yung pang-ookray niya habang nagja-judge.

Ganoon din ang style niya sa Gandang Gabi Vice kaya klik. Pero ang ibahin ang image niya, wala siyang laban sa hosts ng ibang game shows.

Sesemplang siya, I bet you. Napatunayan na ‘yan kahapon, lamon na lamon siya nina Anne Curtis at Kuya Kim plus Ryan Bang!

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

4 comments:

  1. Ang alamat ng ibon ni darna dun aq tuwa ganda nun

    ReplyDelete
  2. SINE MOTO, ARTE MO, PASIKATAN ang type ko... tanggalin na ang pitik bulag at singing v.. kasi dully ang segment... pero.. nagmumukhang youth ang target ng noontime show.. sana gumawa sila ng segment na pang masa... aun

    ReplyDelete
  3. i like it ung alamat ng ibon ni dara it's so funny

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search