Wednesday, June 20, 2012

MVP bibilhin ang GMA-7 para i-monopolyo ang Media?


ANG ano mang monopoly ay hindi maganda para sa kahit na anong industriya. Iyan ang isang katotohanang hindi natin maitatanggi. Ang monopolyo ay masama rin sa media.

Una, may mga taong nagiging masyadong makapangyarihan na nako-control nila ang public opinion. Maaaring magamit nila iyan para pagtakpan ang iba pa nilang business interests o mga interest na labag sa batas.

Kaya nga sinasabi nila, ang peryodismo ay mas naging malaya at makabuluhan nang mawala ang monopolyo sa mga diyaryo. ALAM iyan ng lahat ng peryodista. 

Pero ngayon may nag-aambang monopolyo sa telebisyon. Maliwanag ang matinding paghahangad ng TV5 na makuha ang GMA7. Inaamin naman nila iyan eh. Para bang ang naging attitude ay “hindi namin kayang lumaban, bibilhin namin kayo”. Napaka-simple niyan, at ang tingin ng mga taga-TV5 pagpapakita iyan ng kanilang lakas at kapangyarihan. Mali.

Una, hindi maganda para sa mga advertiser na may monopolyo sa media, dahil makapagdidikta sila ng mataas na presyo ng anunsiyo. Hindi maganda iyan sa publiko dahil may magkakaroon ng monopolyo sa opinion na kanilang maririnig at mapapanood. Halimbawang may reklamo laban sa Meralco, o sa PLDT, o sa NLEX, o sa Maynilad, ilalabas ba iyan ng mga estasyon ng telebisyon na hawak ng kanilang monopolyo?
Kung iisiping mabuti, hindi iyan karangalan kundi insulto pa sa mga taga-TV5. Hindi nangangahulugan iyan na na-take over nila ang isang estasyon. Maliwanag na walang nangyayari sa kanila kaya para makabawi, kailangang bumili ng ibang estasyon na alam naman nating pinasikat ng ibang mga personalidad. Parang sinabing, “ay wala naman palang ibubuga itong TV5 eh, kailangan kumuha na tayo ng iba pa”.

Hindi rin naman maganda iyan para sa GMA7, dahil kung ang network ay magiging bahagi ng isang monopolyo, kailangang alalayan din nila at makibagay sila sa mas mahinang TV5. Ang magkakaroon ng advantage diyan ay ang ABS-CBN, dahil sila ang magiging tunay na independent network.

Ewan, pero sa tingin namin hindi dapat payagan ang monopoly, at saka ang tanong, naibebenta na ba ngayon pati ang broadcasting franchise? Kaya maiisip mo rin eh, kailangan sa kongreso na tumitingin sa franchise ng mga iyan ang mga lehitimong journalists kagaya ni future Congressman Jerry Yap.

source: hataw tabloid
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search