PAGKATAPOS ng pasabog ni Iwa Moto laban kay Jodi Sta. Maria na lumabas sa Paparazzi, may mga kasunod pa siyang interview sa ilang reporter na may mga sinasabi pa ito laban sa aktres.
Kaya lang daw nagsalita si Iwa ay dahil sa hindi niya matanggap na akusahan siyang home wrecker.
Binuweltahan ni Iwa si Jodi na nakipagrelasyon daw ito sa ex niyang si Mickey Ablan (na karelasyon ngayon ni Janna Dominguez).
Pahayag ni Iwa, “Kung nagsisinungaling ako, bakit ‘di ako idemanda ni Jodi ng libel? Bakit ‘di siya nagsasalita? Kasi totoo. It’s about time malaman sinong nagsisinungaling.”
Hindi namin nakakausap si Jodi, pero may ilang taong malapit sa aktres ang nakausap namin at talagang tikom daw ang bibig nito dahil wala raw siyang balak patulan si Iwa.
Sa tono ng pagkasabi nila ay parang nachi-cheap-an sila sa mga pinagngangawa ni Iwa kaya wala raw balak si Jodi na patulan pa ito.
Magsasalita rin daw si Jodi sa tamang panahon at sa tamang lugar. Kung hinahamon daw ni Iwa si Jodi na magdemanda ito, talagang darating daw iyun dahil ang pagkakaalam nila, balak idemanda ito ni Jodi.
Hindi lang nila alam kung ano ang ikakaso nito kay Iwa dahil ang dinig nila, hindi lang Libel ang isasampa nito.
Baka hindi lang daw kasi napayuhan si Iwa na basta paninirang-puri ang mga mga sinasabi nito, totoo man o hindi, libelous pa rin at puwede pa rin siyang kasuhan.
Curious lang kami kung ano pa ang kasong balak isampa ni Jodi laban kay Iwa, dahil tahimik lang daw talaga ito at hindi ito nagbibitaw ng ano mang komento.
mas ok ang ginagawa ni jodi... go jodi!
ReplyDeleteMas mabuti ng nananahimik keysa putak ng putak na mukang TANGA. GO JODI.
ReplyDelete