NAPANSIN ko lang na karamihan ng mga artistang lumipat sa ABS-CBN ay bumumobongga ang career.
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Isa na dito si Angel Locsin na may movie ngayon with John Lloyd Cruz na “Unofficially Yours.” Nakailang serye na rin si Angel sa Dos plus nabigyan siya ng chance sa comedy kaya naman napasama na sa main cast ng sit com ng “Todo Max,” with Vhong Navarro, Pokwang at Papa Robin Padilla.
Super bumongga rin si Anne Curtis, na siyang inaasahang maging box office queen dahil sa pelikulang “No Other Woman.”
Malupit ang movie na ito dahil tumabo lang naman sa takilya nang tumataginting na halos P300 milyon (yata).
Plus ginawa pang official na noon time show ng Dos ang Showtime kung saan isa si Anne sa mga prime host.
Kasama rin si Anne sa nalalapit na prime time serye nina Robin Padilla (na dati ring nasa Siyete) at Kris Aquino.
Katatapos lang ng concert ni Anne sa Smart Araneta Coliseum. In fairness, napuno ni Anne ang Big Dome ha, with her nakakalurkey na voice hehehehe. May kakaibang charm kasi si Anne that’s why love na love siya ng madlang pipol.
Ang makakahati ni Anne sa titulo kung sakaling hirangin na box office queen ay si Cristine Reyes na mula rin sa GMA-7. Galing si Cristine sa StarStruck, ang reality artista search ng Siyete.
Si Cristine din umano ang makakapareha ni Papa Piolo Pascual o ni Jericho Rosales sa “Nang Dahil Sa Pag-Ibig,” na malapit nang umere.
Visible din ngayon sa ilang programa ng Dos ang mga ex-Kapuso star na si Alfred Vargas (although, galing siya sa isang batch ng Star Cirlce ng Dos noon bago mapunta sa channel 7), gayundin si Valerie Concepcion na kakalabas lang sa hit serye na “100 Days To Heaven.”
At noong Wowowee days ay hataw din si Val sa Dos at gumanap pa sa isang challenging role sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” with Zanjoe Marudo.
Next in line na maaaring bumongga ang career ay si Iza Calzado. Magaganda raw na proyekto ng Dos para kay si Iza na lalabas din sa isang epeisode ng MMK.
Ang nagbabalik-Kapamilya na si Patrick Garcia ay napapanood na ngayon sa Precious Hearts Romances: Lumayo Ka Man Sa Akin, ka-love triangle sina Jason Abalos at Maja Salvador.
Bumangon na rin ang acting career ng mahusay na si Janice de Belen via “Budoy” with Gerald Anderson, Tirso Cruz III, Zsa-Zsa Padilla, Mylene Dizon at iba pa.
Balik-hosting naman si Carmina Villaroel sa Showbiz Inside Report na maganda ang nakuhang feedback ng pilot espisode nito noong Feb 4, na isa sa nag-trending topic sa Twitter noong araw na iyon.
May magic ba ang Dos kaya sumisikat sa kanila ang mga artista? Oopps.. di natin sinasabi na hindi sumisikat ang mga nasa Kapuso Network. In fairness si Camille Prats na dating taga-Dos ay okay sa Siyete at nag-rate ang seryeng Munting Heredera.
Eh paano naman si Claudine Barretto na dating reyna sa prime time slot ng Dos? Anong nagyari sa career n’ya? Nagtatanong lang po? Nakanino kaya ang problema? O baka naman pana-panahon lang yan! Hindi niya siguro panahon ngayon!
Yang mga sinasabi mong mga talent ng GMA7 na bumobonnga sa kanilang paglipat sa ABS ay pinasikat at talagang sikat na sikat na sa GMA7. Yan ang rason kaya sila pinirata ng ABS. Gusto ng ABS na maubusan ng mga sikat na talents ang GMA7. Sino ba sa mga yan ang di pa kilala ng pinirata ng ABS? Sina boy abunda, kris aquino, ai ai, karen davila atbp. saang channel ba yan galing? dati nang mga sikat yan sa GMA7. Asan ba ang mga yan bago naging talent sa ABS. Sina Carmina, Patrick Garcia atbp., dating talents ng ABS pero bakit lumipat sila sa GMA7 kung satisfied sila sa exposure nila sa ABS? May mga kinukuhang talents ang GMA7 sa ABS pero sila yong mga walang nang career dyan sa 2 at tina try talaga ng 7 na mag resurrect ang career nila. pero ang iba talagang wala na. nakakalungkot na after na pasikatin ng GMA7 ang mga yan, lumalayas sila. Pero okey lang. There are other talents na ide develop ang 7. At least nabibigyan sila ng chance. Yong mga lumipat, okey din lang. Malaki pa rin ang utang na loob nila sa 7. Yong iba sa kanila maayos na nagpaalam. Pero yong isa dyan na kunwari napagod ng husto at nag aral pa kuno sa Europe ng ewan kung anong kurso ay todo sinungaling sa pagsabi na di siya lilipat pero the following week lang, andyan na sa kabila. Tapos at the end of the day, nagpalit ng manager. Aminin niya sa hindi, utang na loob niya ang lahat sa 7 ang kasikatan niyang tinatamsa ngayon. Oh, well! Pera pera at gamitan lang yan!
ReplyDeleteY U MAD? rofl
Deletei'm not mad dear! nothing to be angry about. tinatama ko lang ang dapat itama. yong mga lumipat sa 2, let's see kung hanggang saan ang abutin nila. kung ang hinihingi nilang exposures at projects ay talagang tamasain nila. and how about yong mga talagang talents ng ABS, are they happy with the transferring of these talents from 7 to 2? remember we have only 24 hours in a day and with all those talents with the network (2) let's see how they will be given their assignments. and why in the first place channel 2 keeps on pirating the talents of channel 7 if they are satisfied with their talents and ratings? common....!!!!!!
ReplyDeletenumber 1 talaga abs-cbn sa lahat.. no offense kasi kung number one ang gma eh de sana ang mga artist nila ang pinagkakatiwalaan ng mga endorsers.
Deletehala! sige! sabay sabay pabonggahin ng channel 2 ang mga pinirata nilang talents ng 7 at homegrown talents nila. tingnan nga natin! iilan na lang ang natira sa 7 at sa ngayon ang mga talents nila ay di naman talaga masasabing bonggang bongga ang career? marami sa kanila ang no names pa talaga pero pagdating sa ratings board mataas; refer to Kantar ang AGB ratings board. sino naman ang mga talents sa biritera, legacy, kokak atbp. na programa ng 7 kumpara sa mga kasabay na programa sa 2? if ever na umarangkada ang ratings ang programa ng mga pirated talents na ito once itinapat ang programs nila sa 7 magpasalamat pa rin ang 2 sa 7 kasi itong huli ang nagpasikat sa mga yan. yan ang purpose ng 2 kaya lahat hinakot nila ang maga sikat ng 7; para talunin ang 7 sa ratings. ang 7 ang nagbigay ng chance kay carmina to shine as a host is 7. dati na yan na talent ng 2 na lumipat lang sa 7, likewise, robin padilla. may iba pa diyan. anyway, sa nangyayari ngayon na pamimirata ng 2 at 5, marami ang nabibigyan ng chance sa 7. yong sinasabi nilang si marian lang, bea at barbie forteza ang tinututukan ng 7 ay mali. kasi ang dami namang slots na pwedeng paglagyan sa kanila na nagsilipat, eh! yong isa nga dyan nga ang reklamo wala raw na siyang pahinga. kaya siya lumipat. common, guys! don't insult the intelligence of the Filipino people...the truth of the matter is malaki ang talent fee na inalok sainyo ng 2. isn't it a sign of desperation?
ReplyDelete