KAHIT pasok sa Metro Manila Film Festival 2012 ang “El Presidente” ay hindi naman ito movie talaga ni Nora Aunor kundi pelikula ni Laguna Gov. ER Ejercito. Ang talagang solo movie ng phenomenal actress ay ang Thy Womb o Sa Iyo’ng Sinapupunan, na dinerek ni Brilliante Mendoza.
Grabe! Kung ipagmalaki ng nasabing direktor ang project nilang ito ng nag-iisang Superstar kaya so depressing naman na hindi sila napasama sa MMFF. Itinuturing pa namang si Direk Brilliante na ang makabagong Lino Brocka ng ating panahon at kinilala talaga ng Cannes Film festival ang husay at galing sa pagdidirek, tapos ganito lang ang nangyari. Inisnab ng committee ng Metro Manila Film Festival ang kanyang obra. At si Nora, nawawala na ba ang respeto sa kanya ng industriya at nililigwak na ang entry niya sa nasabing taunang festival?
Samantalang before noong kanyang kasikatan, titulo pa lang ng movie niya ang sina-submit sa MMFF ay pasok na pasok na kaagad sa mga official entries. ‘Yan ang showbiz, malupit at gamitan gyud!
obvious naman na big film companies ang nakasama. puro commercial films na naman.
ReplyDelete