Hindi talaga seryoso ang nagaganap na usapan sa pagitan ng GMA 7 at ang may-ari ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan. Ito ang malinaw na sinabi ni Mr. Felipe Gozon, CEO at Presidente ng GMA 7 tungkol sa walang kamatayang isyu na malapit na malapit na ang bilihan at sa November ay inaabangan na ang merger ng dalawang network.
Ayon pa kay Mr. Gozon na nakipag-tsikahan sa ilang entertainment editors and columnists kahapon, nagsimula ang nasabing usapan noon pang 2002 nang magkapirmahan sila ng memorandum of agreement sa pagitan ng kumpanya ni MVP na Media Quest na hindi nga natuloy sa pag-urong ng kumpanya ni Pangilinan.
Pero kamakailan lang umugong na magkakatuluyan na nga ang bilihan. At ang sinasabing P50 billion at P100 billion ay biro lang nang sabihin niya noon pero naging malaking isyu na. At ang napansin ni Mr. Gozon simula nang umiinit ang isyu ng bilihan, tumaas ang shares ng bentahan sa market ng GMA.
Inulit din ni Mr. Gozon na hindi sila for sale, pero kung may darating na malaking offer na ang kikitain nila sa loob ng limang taon ay ibibigay na sa kanila. “For the sake of argument. Kung ibibigay na sa ‘yo ang kikitain mo ng five years, bakit naman hindi mo pa ibebenta. Besides, I’m not getting any younger,” sabi ni Mr. Gozon na hindi ko pala natanong kung totoong sumailalim na siya sa stem cell procedure kaya parang mas sumigla.
Sinasabi naman niya na nag-uusap sila ng Pangilinan pero hindi pa nga sila dumarating sa puntong meron nang halaga ang usapan. Meron silang hinihintay na offer pero ayaw niyang sabihin kahapon dahil baka raw mas malaki pa ang i-offer ng kampo ni Pangilinan kesa sa sasabihin niya.
More than 70% ng GMA ang pag-aari ng tatlong pamilya – kasama ang kanyang pamilya at ang remaining 20 something percent, ay public share .
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!