Wednesday, May 2, 2012

TV station, walang mata para magpasikat ng mga alaga

ISANG seryosong miting ang ipinatawag ng departamento ng isang TV station kaugnay sa layunin nitong lalo pang paigtingin ang pagdedebelop sa kanilang mga artista.

Kabilang sa agenda na ‘yon ang pagkakaroon dapat ng “branding” sa hanay ng kanilang mga talent, pero maagap ang reaksiyon ng isa sa mga publisista nito. How can there be branding, gayong napapabayaan naman ng estasyon ang ilang mga artista nito na nagsisilipat sa kabilang estasyon sa kawalan ng proyektong lalong makapag-e-enhance sa kanilang talento bilang artista?

A recent case in point, ayon na rin sa prangkang publisistang kamiting ng mapasikat ang kanilang artista ‘yon, ay ang isang homegrown male talent na produkto ng isang artista search. Bagamat mayroon siyang mga trabaho mula sa pinagmulang estasyon, those were so-so TV assignments that failed to bring out the best in him.

Hayun, nang lumipat ang batang-amang aktor na ‘yon sa rival network, not only were his physical looks enhanced, kinakitaan din siya ng pagkakaroon ng star material alongside one of the station’s prized possessions sa hanay ng mga batang aktor.

Ilang beses nang umaani ng batikos ang departamentong ‘yon sa kawalan nito ng mga mata, ‘ika nga, para makakita ng potensiyal na talent. Nagbitiw nga sa puwesto ang dating namumuno niyon, but a total overhaul is still very much needed.


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search