Sunday, April 29, 2012

GMA-7 Exec. Duavit: GMA-7 is not for sale… but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.


PINABULAANAN ni GMA Network President at COO Gilberto R. Duavit, Jr. ang mga paha­yag sa artikulo ni Winston Marbella na lumabas sa isang broadsheet noong Biyernes na may pamagat na, “Networks shakedown rocks industry.”

Pawang walang basehan ang mga ipinahayag sa artikulo na tumutukoy sa broadcast television bilang isang “sunset” industry.

Una, malinaw na na-misquote si Duavit sa pahayag na “that is not to say that GMA-7 will not be sold.”

Sa katunayan, paulit-ulit nang ipinahayag ni Duavit na “GMA-7 is not for sale… but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.”

Sa kasalukuyan, wa­lang nagaganap na seryo­song negosasyon sa pagitan ng GMA at ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Group.

Pangalawa, sa artikulo ni Marbella, tinukoy nitong ang 100% ng GMA-7 ay base sa share trading price at total number of listed shares sa stock exchange. Ito ay malinaw na walang kototohanan.

Ayon kay Duavit, ang 30.86 percent ng stock ng kumpanya na maituturing na preferred shares ay hindi listed sa stock exchange.

Ang preferred shares na ito ay naging subject ng disclosures sa Philippine Stock Exchange at Securities and Exchange Commission.

Pangatlo, ang ­pagtaas sa kabuuang gastos ng GMA ay hindi lamang dulot ng matinding kumpetisyon na tinukoy sa artikulo ni Marbella.
Nilinaw ni Duavit na ang pagtaas ng programming spending ng GMA noong 2011 ay masusing pinag-isipan bilang pamumuhunan ng kumpanya para maisakatuparan ang pangunguna sa nationwide ratings at dulot nito ay malinaw na kabutihan para sa kumpanya.

Sa kabila ng mga pahiwatig sa artikulo ni Marbella na ang broadcast ay isang “sunset” industry, inihayag ni Duavit na ang cutbacks sa ad spend ng ilang major advertisers noong nakaraang taon ay dulot ng economic crises sa US at Europe. Noong Pebrero 2012, nagarantiya na ng mga advertiser sa kumpanya ang 85% ng total ad revenue para sa buong taon.

Pang-apat, ayon sa artikulo ni Marbella, ang paggamit ng high definition (HD) television (TV) ay nangangailangan ng ma­laking kapital. Pinabula­anan ito ni Duavit.

Para sa mga broad­caster, ang pinakama­laking investment dito ay ang transmitter network na kung pagbabasehan ang halaga ay hindi hadlang o mabigat na balakid sa pagsasakatuparan ng HD TV.

Ang digital transmitter ay mas murang i-maintain at i-operate at mas efficient kumpara sa analog equivalent nito.

Bagama’t ginagamit na ang HD TV sa mga first world TV market, ang paggamit nito sa Pilipinas ay mas praktikal para sa GMA sakaling mayroon nang HD TV set ang bawat TV household sa bansa.

Ngunit dahil sa mataas na halaga nito sa ngayon, limitado sa maliit na bahagi ng viewing households ang may kakayahang gumamit nito.

Habang hindi ­malayo para sa maraming bilang ng television viewing homes na magkaroon ng HD TV sets sa hinaharap, ngayon pa lang ay namuhunan na at patuloy na namumuhunan para sa Digital TV ang GMA, maliban na lamang sa transmitter network dahil sa mga nasabing pahayag.

Mariing ­pinabulaanan ni Duavit ang closing statement ni Marbella na nagpapahiwatig ng pagmamaliit sa GMA bilang isang nangungunang network sa industriya.

“We lead in the national ratings. Moreover, we are and continue to be the most profitable broadcast network in the country and our profit margins and operational efficiencies are second to none,” ani Duavit.

Higit pa, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang GMA ay walang long-term debt at patuloy na pinalalago ang business revenue maliban pa sa conventional television advertising, at litaw ito sa mga international channel ng kumpanya.

“If ours were a ‘sunset’ business as Mr. Marbella implies, then the question is why certain amounts attributed to the value of our company are such, and why TV5 is spending billions building its infrastructure, pirating talents, and taking losses just to gain a foothold,” sabi ni Duavit.

Sinagot din ni Duavit ang panghuling pangungusap sa artikulo ni Marbella na nagsabing “it would be prudent for GMA-7 to start preparing while the price is right.”

Malinaw na mayroon nang pansariling ideya o konklusyon si Marbella hinggil sa halaga ng GMA Network bilang isang kumpanya.

“We are fortunate that we do not have him as a financial adviser,” ani ­Dua­vit.

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search