Sunday, April 29, 2012

Bacolod Massakara kampeon ng ‘It’s Showtime’


ITINANGHAL na kampeon ng “It’s Showtime” ang grupong “Bacolod Massakara” sa ginanap na grand finals kanina.

Kaninang tanghali naglaban-laban ang walong gurpo mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Nakakuha ng “perfect 10″ mula sa mga hurado ang naturang grupo na ipinakita ang mayamang kultura ng kanilang lalawigan at ng buong bansa.

Nakamamangha ang performance ng grupo na nagsuot ng makukulay na maskara at costume habang sumasayaw.

Mistulang nasa Masskara Festival ang mga nanood kanina sa pagtatanghal ng grupo.

Naibulsa ng grupo ang P3 milyon na ang P2 milyon ay para sa kanila habang ang P1 milyon naman ay para sa lugar na kanilang nire-represent.

Mahuhusay ang lahat ng lumahok at halos dikit ang laban matapos makakuha ng 9.9 score ang Lahing Anda mula sa Pangasinan at 9.9 din ang La Castellana Bailes de Luces ng Negros Occidental.

Ang iba pang grand finalist na nagpamalas ng galing kanina ay ang Dumaguete’s Pride, Infinite Reform, Amazing Paper Dolls, Tiklad at Next Level Octomix.
So far pinakasikat na champion sa Showtime ay ang XB GenSan na winner noong unang season.

Mapapanood ang XB GenSan sa Showtime at ASAP Rocks.

Samantala, sa programa kanina, inanunsyo na rin ang pag-alis ni Billy Crawford. Ipagpapatuloy kasi ni Billy ang kanyang bonggang singing career sa Europa.

Kanina nagpaalam na si Billy sa kanyang Showtime family.

Ayon sa ulat, tatlong buwan mawawala sa bansa ang mahusay na singer/actor at host.

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search