Kagabi, Marso 19, isang feed ang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa diumano'y tampuhang namamagitan sa Viva Films at Star Cinema—dalawa sa pinakamalalaking movie companies sa Pilipinas.
SOURCE
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng PEP, ang 50/50 na dapat sana'y hatian sa production cost ng pelikulang Moron 5 and the Crying Lady, ang ugat ng tampuhan ng dalawang movie companies.
Kuwento pa ng source, hindi raw maglalabas ng pera ang Star Cinema. Publicity and promotions lang daw ang kayang i-commit nito para sa nabanggit na pelikulang may April 7 na release date.
Tampok sa pelikula sina Marvin Agustin, Luis Manzano, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus.
Hindi raw nagustuhan ng Viva big boss na si Vic del Rosario ang pahayag na ito ng ABS-CBN film arm.
Matatandaang naging magka-partner sa produksiyon ang Viva at Star sa dalawa sa pinakamalaking blockbuster movies nung nakaraang taon—ang No Other Woman atPraybeyt Benjamin.
Dagdag pa ng source, nagpahayag diumano ang direktor ng Moron 5 and the Crying Lady na si Wenn Deramas na hindi na raw ito magre-renew ng kontrata sa Star Cinema dahil sa ginawang pagtanggi ng huli na makipag-co-produce sa Viva Films para sa kanyang pelikula.
VIVA FILMS & STAR CINEMA. Agad namang nagpadala ang text messages ang PEP kagabi sa mga partidong sangkot sa balitang ito para makumpirma ang diumano'y hindi pagkakaunawaan nila.
Unang nagpadala ng sagot kagabi rin ang anak ni Boss Vic na si Veronique del Rosario-Corpuz, na siyang tumatayong Viva Films senior vice president at Viva Artist Agency general manager.
"Not that I know of," ang maikling tugon ng Viva lady boss sa aming katanungan.
Ilang oras pa ang nakalipas, isang mapagkakatiwalaang source naman ang nagkumpirma na may tampuhan ngang nagaganap sa pagitan ng Viva at Star.
Ayon sa source, si Boss Vic daw ang lumapit upang tanungin kung willing ang Star Cinema na makisosyo sa Moron 5 and the Crying Lady.
Tatlong linggo pa lang daw ang nakalipas nang mag-offer ang Viva, kung kailan patapos na ang pelikula at may release date nang April 7.
Kuwento pa ng source, hiniling daw ng Star Cinema sa Viva na babaan ang budget ng bagong comedy movie na ito.
Hindi raw nagawang ibaba ang cost kung kaya't totoong nag-backout nga ang Star Cinema sa proyekto.
Ngunit nilinaw ng source na walang pinirmahang kontrata ang Viva Films at Star Cinema na magkakaroon ng 50-50 na hatian sa paggastos ng pelikula.
Dahil daw sa laki ng budget, hindi na nga natuloy ang pagiging co-producer ng Star Cinema sa Moron 5 and the Crying Lady.
Banggit pa ng source, sa ngayon daw ay emosyunal pa ang mga tao tungkol sa naturang issue.
Sana raw sa huli ay magkaintindihan ang dalawang production outfits.
DIREK WENN. Kaninang umaga naman, March 20, sumagot sa text message ng PEP ang direktor ng pelikula na si Direk Wenn.
Sabi ng direktor sa pamamagitan ng text message:
"As per my contract with Star, si Ms. June Rufino naman ang nakikipag-negotiate sa mga producer. Hindi ako nakikialam para hindi magulo."
Si June ang tumatayong manager ni Direk Wenn.
Tungkol naman sa diumano'y tampuhan ng dalawang produksiyon, sagot ni Direk Wenn:
"Siguro Star Cinema ang dapat sumagot dun sa tanong mo kung may rift nga sila ng Viva. Sila naman ang nagdedesisyon at hindi naman nila ako kinausap."
Mananatiling bukas ang PEP para sa opisyal na pahayag na manggagaling mula sa mga partidong sangkot sa usaping ito.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!