Sunday, March 18, 2012

Arnold Clavio at Rhea Santos, idinepensa ng GMA Network

NARITO ang statement ng GMA Network na ipinalabas noong Biyernes nang gabi sa 24 Oras kaugnay sa isyu ng Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio laban sa Philippine Azkals:
“Kamakailan, inireklamo ng sexual harassment ang dalawang miyembro ng Philippine Azkals ni dating Philippine Olympic Committee President Cristy Ramos, anak ni dating Pangulong Fidel Ramos.

“Nitong Martes, napag-usapan po sa Unang Hirit ang sexual harassment complaint ni Cristy Ramos laban sa dalawang miyembro ng Azkals kung saan nagbigay ang ilang hosts ng kani-kanyang opinyon.

“Kahapon, nakatanggap ang GMA Network ng liham mula sa Philippine Football Federation o PFF kung saan inireklamo ang mga komentaryo nina Arnold Clavio at Rhea Santos sa kanilang programa.

“Nais pong linawin ng GMA Network na ang mga inirereklamong pahayag ay hindi bahagi ng aming news reporting kung saan tanging mga statement of facts ang ibinabalita at kung saan walang puwang ang pagbibigay ng opinyon ng mga host.

“Ang mga inireklamong pahayag ay unscrip­ted discussion ng Unang Hirit hosts sa commentary segment ng programa kung saan sila ay nagpalitan ng opinyon at nagbigay ng kani-kanyang pananaw tungkol sa natu­rang issue.


“Nalulungkot po ang GMA Network na iba ang naging intindi ng Philippine Football Federation sa mga sinabi ni Arnold.


“Ang pinapatungkulan ni Arnold ay hindi kung Filipino citizen o kung may lahing Pilipino ang mga Azkals kundi kung naisapuso at naisaisip ba nila ang kulturang Pinoy.


“Ang issue na tinala­kay sa Unang Hirit ay SEXUAL HARASSMENT isang mahalagang isyu kung saan matindi ang paninindigan ng mga host.


“Meron pong karapatan sina Arnold, Rhea at iba pang host na ihayag ang kanilang opinyon, isang karapatang pinoprotektahan ng ating Saligang Batas.


“Sang-ayon man kami o hindi sa kanilang opinyon, ang karapatan nilang ihayag ito ay kinikilala ng GMA Network tulad ng aming pagrespeto sa karapatan ng publiko at maging ng PFF na maghayag ng kanilang opinyon basta ang nasabing opinyon ay hindi labag sa batas.


“Sa liham ng Philippine Football Federation, sinabi nilang racist, discriminatory, libelous at malicious ang mga paha­yag nina Arnold Clavio at Rhea Santos.


“Pero ang GMA Network po, walang nakitang racist, walang discriminatory, walang libelous at walang malicious sa mga komentaryo nina Arnold at Rhea.”


PHOTO CREDITS: PEP

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search