Sa 37 years ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pamumuno ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman na si Atty. Francis Tolentino ay malaki na ang inunlad at ipinagbago nito kung saan nadagdag ang pagpapalabas ng mga indie film at best student short films kung saan ang mananalo sa kategoryang ito ay magkakamit ng P100,000, at P25,000 para sa student short film na ang premyo ay mapupunta sa eskuwelahan na kinatawan ng filmmaker.
Para sa gantimpala naman sa best picture ay may P800,000 na makakamit, P550,000 (second prize), at P300,000 (third prize). Para sa Gatpuno Villegas Award ay may nakalaang P550,000 at para sa best actor, actress, director, screenplay ay may P100,000, at sa best supporting actor, actress, child performer, at technical winners naman ay P50,000.
Sa Dec. 24 ang Parade of Stars na magsisimula sa Esplanade para sa mga participants. Sa Dec. 28 naman ang inaabangang Gabi ng Parangal na idaraos sa Resorts World Performing Arts Theater hosted by AiAi delas Alas at Cesar Montano. Magkakaroon ito ng telecast sa Jan. 1 sa ABS-CBN at 10:30 p.m.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!