Tuesday, November 8, 2011

'Miss World 2011' walang binatbat sa 'Miss Universe Pageant'




Ginanap kahapon, November 7, 2011 (PHL time), ang Miss World 2011 kung saan muntikan nang masungkit ni Gwendoline Ruais ang Miss World Crown. Nanalo si Ms. Ruais ng 1st Runner-up.

Napanuod ko ang telecast ng Miss World 2011 sa GMA-7 at nakaka-antok or in other words BORING ang naging presentasyon ng Miss World. Gayung 60th birthday pa naman iyon ng nasabing patimpalak. Puro videos ng mga mga kandidata na nagpunta kung saan saan sa europa. Tapos, hindi pa naging maganda ang tanong sa final question. "Why should you be the next Miss World?"
Walang-walang sinabi ang presentasyon ng Miss World sa presentation ng Miss Universe. Nilamon sila in terms of Production and Entertainment level. Ang daming 'dull moments' sa Miss World 2011. 

At sa telecast naman ng GMA-7 para sa Miss World 2011, ay parang walang special event na nangyayare dahil pareho pa rin ang dami ng ad loads ang nakuha ng Miss World 2011 sa Kapuso Blockbusters. Hindi tulad ng sa telecast ng Miss Universe 2011 sa ABS-CBN kung saan punong-puno ng mga tv ads ang bawat gap ng nasabing beauty pageant. 

To end this entry short, walang masyadong impact ang Miss World 2011 kumpara sa Miss Universe Pageant.At mukhang pang-sandaliang kasikatan lamang ang natamo ng representative ng Pilipinas sa Miss World 2011, na si Gwendoline Ruais.

COPYRIGHTS 2011
All Rights Reserved
Pinoy TV Police

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search