Vice Ganda hinaharang ang TV guesting ng "Wonder gays" sa "Showtime"?
Powerful sa Dos kaya nahaharang ni Vice ang TV guesting ng Wonder Gays!
SA TOTOO lang, nuknukan talaga ng kaplastikan, kasakiman at kasamaan itong si Vice Ganda. Dahil mega to the max ang pagtanggi at hinaharang ang dapat sana’y TV guesting ng Wonder Gays sa Showtime sa channel 2. Matagal na palang naka-sched sa show ni Vice Ganda (na mukhang kabayo|) pero hindi ito matuluy-tuloy dahil sa hinihintay rin ng mga taga-production ng Showtime particular na ang EP nito ang umano’y pagsang-ayon ng sakim na host.
Pero ang sabi, super deadma lang sa mga pakiusap sa kanya ng mga taga production side ng Showtime para i-guest ang kawawang talents ni Lito de Guzman. Malakas raw talaga siguro si Vice Ganda sa Channel 2 kung kaya’t nahaharang nito ang mga alagang baklita ng kontrobersyal na talent manager. Sobrang lumaki ang ulo at nagkahangin na talaga si Vice at nalunod na ito sa kanyang kasikatan at isang basong tubig. May konek daw kasi kay Kris Aquino kaya may kayabangan na sa ngayon si Vice? Bakit naman si Boy Abunda, sobrang close rin sa pamilyang Aquino lalung-lalo na kay Kristeta pero hindi naman nagbabago? At kahit may mga kaibigan pa si Lito de Guzman na kagaya rin niyang talent manager at siyang namagitan sa nasambit na guesting ng Wondergays sa Showtime at kay Vice, balewala rin pala ang mga ito. Hindi po namin pini-personal si Vice kung kaya’t nakakanti namin ito. Ang sa amin lamang po, dear readers, humarap siya sa salamin at isipin kung saan siya nagsimula? Naku, Vice, sikat ka nga ngayon pero baka isang araw ay laos ka na rin. Hay, naku! nood na lang tayo ngayong Oct 18, 2011 ng “May Nag Tweet… harharhar!” concert ng Wonder Gays sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City with guests Aaron Villena, Frank Garcia, Baron Geisler, Polo Ravales, Kris Lawrence and Mocha girls para mawala stress natin dito kay Vice Ganda.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!