Dalawang dekalibreng palabas ang mag-sisimula ngayong lunes (September 12, 2011).
Ito ang Pinoy adaptation ng isang sikat na international series na "Nasaan Ka Elisa". Pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Melissa Ricks kasama ang mga bigating artista na sina Albert Martinez, Agot isidro at Vina Morales. Tatakbo ang istorya sa pagkawala at paghahanap kay Elisa. Mapapanood ang "Nasaan Ka Elisa" pagkatapos ng "My Binondo Girl" sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Samantala, TV Adaptation naman ang handog ng TV5 para sa kanilang mga viewers, Ito ang "Ang Utol Kong Hoodlum" na mula sa sikat na pelikula na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Sa Tv Adaptation ay si JC De Vera at Jasmine Curtis-Smith ang magbibida. mapapanood ang "Ang utol Kong Hoodlum" pagkatapos ng "Bangis" sa Primetime Panalo ng TV5.
Ikaw ka ENO, Ano ang papanuorin mo sa dalawa?
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!