Tuesday, August 30, 2011

EXCLUSIVE: Kailan matatawag na "Flop" ang isang pelikula?



Madaming nagtatanong kung kelan mo nga ba pwedeng sabihing "FLOP" ang isang pelikula? On a shallow note, syempre kapag nilalangaw ang mga sinehan kapag showing ang pelikulang iyon, ibig sabihin FLOP nang turing ang pelikulang iyon. Pero may mas malalim pa palang explanation kung kailan kumikita at hindi kumikita ang isang pelikula at kung paano ang hatian sa kinita ng pelikula. 

nahanap ko 'tong article na 'to sa tumblr. sa account ni dexternews. which i found informative kaya i will share it to everyone.



Kelan nagsisimulang kumita ang isang local film? 
Matagal na namin itong gusto itanong sa mga direktor, producer, o kahit na sinong nasa industriya ng pelikula sa bansa. Paano mo masasabing flop ang isang pelikula? Paano mo masasabing kumita ito? Ayon sa aming panayam kay direk Cathy Garcia Molina butas ng karayom ang dinadaanan ng isang pelikula bago mo masabing kumita ito.
YOU CHANGED MY LIFE ang highest grossing local film of all time. More than 200 million pesos ang tinab nito sa takilya. Magkano ang budget sa pelikulang ito? 30 million.“Ang 30-million pesos para mag breakeven, tina-times three yan. Para mag breakeven palang ang Star Cinema ha, three Million ay halimbawa, thirty million kasi ang thirty percent goes to the tax, the other thirty percent goes to the movie house, the other thirty percent lang goes to the..to Star Cinema. So pag thirty million ang budget mo, kelangan mo ng ninety million para mabalik mo ang thirty million sa ‘yo. Tsaka pa lang magsisimulang kumita ang Star Cinema. So halimbawang ninety million,so meron kang hundred ten million ngayon didivide mo ngayon ulit sa tatlo yung kita mo kasi sa tax, so ang nakuha ng Star is nasa ano thirty five million halimbawa. Eh hati pa kami ng Viva Films. (all laughs) so nahati ulit.” -Direk Cathy 
Ganito ang kalakaran sa industriya ng pelikulang Pilipino. Kaya naman ganun na lang kasakit para sa mga direktor, producer, writer, editor, at lahat ng nasa insudtriya ang pagtangkilik ng iba sa atin sa mga pirata. Nagsisilbing pagsubok naman on their part kung paano nila bibigyan ng dahilan ang mga manunuod na panuorin ang kanilang pelikula sa sinehan.

“At the end of the day it’s a business, what I’m saying is kung tinatanong mo ako how bad, it is bad! For as long as ang Pilipino nagkakaroon ng ganung complex na apg hollywood lang maganda at hindi papasukin o itry man lang panoorin ang pelikulang Pilipino at meron pang piracies. Saan pupulutin ang pelikulang Pilipino? Hindi ko na alam. And it’s something that is really always in my head, in our heads pag gumagawa kami ng konsepto, sa konsepto pa alng tinatanong na namin, papanoorin ba ito ng tao? Gugustuhin ba nilang manood na ang kwento mo tungkol dito? Lagi naming iniisip kayo na pano namin kayo mapapagspend ng one hundred eighty pesos para manood versus sa 45 peso DVD. Malaking bagay yun eh.” -Direk Cathy

SOURCE:

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search