Mukhang nag-iiba na ang ihip ng hangin ngayon sa bagong programa ni Willie Revillame sa TV5 na "Wiltime Bigtime" dahil based on my own monitoring bumaba ng more than 50% ang Ads Loads/ Advertisement Loads ng naturang programa. Dahil nitong mga nakalipas na araw ay puro pluggings ng iba' ibang programa ng TV5 na lang ang nasa Commercial Break nito.
Ang pagbaba ng ads loads ng "Wiltime Bigtime" ay marahil dahil sa mababa nitong ratings na hindi man lang matalo ang "TV Patrol" at "24 Oras" kapag weekdays. Hindi na rin nakakapasok sa Top 10 sa Primetime ang show ni Willie Revillame.
Talagang wala na, palalim na ng palalim ang pagkakabagsak ng Wiltime Bigtime. Wala kasing nagbago sa masamang ugali ni Revillame. Ganon pa rin siya sa staff niya at kahit sa mga taong nanonood sa kanya. Madalas ay kinakagalitan niya kahit mga contestant, parang nakapanliliit ang ginagawa niyang pagbulyaw bulyaw sa kahit sinong maibigan niyang bulyawan.
ReplyDeleteMabilis ang pagsadsad ng show at career nilang lahat na nasa Wiltime Bigtime.
Bye bye na kay Revillame!