Parehong naglabas na ng statement ang GMA-7 at ang ABS-CBN tungkol sa kanilang mga ratings nitong nakalipas na buwang ng Mayo. To read their statements (ABS-CBN) (GMA-7).
Ayon sa Kantar Media Research/ABS-CBN:
1. Lamang ang ABS-CBN ng 6-points sa Nationwide Ratings laban sa GMA-7. Ang kalamangan ay dulot ng malalakas nitong programa sa Primetime kung saan halos doble ang lamang ng mga Kapamilya Programs laban sa mga Kapuso Programs.
2. Maganda ang feedback ng mga viewers at pati rin advertisers sa mga bagong programa ng ABS-CBN tulad ng "Gandang Gabi Vice", "Biggest Loser", at "NBA Finals"
Ayon sa AGB Nielsen Phils./GMA-7:
1. Lamang ng 1.2% ang Kapuso Network laban sa Kapamilya Network. 1.2% ay dulot ng mgandang performance ng afternoon shows nito tulad ng "Eat Bulaga", "Sisid", "Nita Negrita" at "Playfull Kiss".
2. Matagumpay ang mga bagong lunsad nitong programa ngunit mapapansin na hindi masyadong malaki ang kalamangan ngayon ng mga afternoon shows ng GMA-7 tulad ng "Playfull Kiss". na hindi tulad ng dati, noong umeere pa ang "Temptation of Wife" ay ang laki ng lamang nito sa kanyang kalaban.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!