NAUNGKAT ang itinatagong samaan ng loob sa isa’t isa nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa nang kapwa sila magpainterbyu sa isang broadsheet.
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Nagbigay ng reaksyon ang tiyahin ni Sharon na si Helen matapos lumabas ‘yung isang broadsheet interview kay Sharon kung saan tinanong ito tungkol sa hidwaan sa pagitan ng mister nitong si Senador Kiko Pangilinan at sa tiyuhin nito na si Senador Tito Sotto.
Ang sabi ni Sharon, “Yes, politics does divide families. Like when my uncle says something bad about Kiko, you don’t understand why…”
Nasaktan si Helen sa pahayag na ‘yon ng kanyang pamangkin. Aniya habang naiiyak kay Ricky Lo, “Nagulat lang ako. Why did she say that? Tito also read the article. He said, ‘Oh my God, you know me. I never say anything bad about or against a person.’
“I know that Tito never said anything bad about Kiko or against Kiko, and God is our witness.”
Lahad ni Helen, naalala niya na nu’ng 2004, si Sen. Tito ang campaign manager ni FPJ sa presidential elections habang si Sen. Kiko ay nasa kampo ni dating pangulong GMA.
Sa Senate investigation hinggil sa diumano’y naganap na dayaan sa halalan, si Kiko ang presiding officer.
Kahit ipinagpilitan ni Tito na pabuksan ang kahit isang ballot box para patunayan ang naganap na pandaraya, hindi ito pinagbigyan ni Kiko at panay “Noted!” lang ang tugon nito.
Nu’ng 2007 na sumama si Tito sa partido ni GMA na sumanib sa grupo ni Danding Cojuangco, natalo si Tito sa pagkasenador. Wala raw dumamay sa kanila noon kundi sina Sen. Oreta at Sen. Honasan lang at ilang kaibigan.
Nang tumakbong muli si Tito sa pagkasenador nu’ng 2010 bilang independent candidate ay nanalo ito.
May mga kaibigan silang tumulong sa kanila na pinagkakautangan nila ng loob.
Kaya noong magbobotohan ng Senate President at nakiusap sina Sharon at Kiko na bumoto si Tito para kay Kiko, hindi ‘yun napagbigyan ni Tito dahil committed siya sa mga tumulong sa kanya noong kampanya.
Ipinaliwanag ‘yon ni Helen kay Sharon at akala niya ay naunawaan nito ang lahat. Akala niya ay may closure na ang bagay na ‘yon.
“Imagine how surprised I was when I saw Sharon on TV saying na masama ang loob niya sa Uncle Tito niya dahil hindi niya sinuportahan si Kiko.
“Look, Tito was only one vote. Tito’s vote was not the decisive factor para manalo si Kiko.
“Ang importante ay ‘yung boto kay Kiko ng mga kapartido niya. That’s the way I understood it, ha?
“Ako, never do I meddle in my husband’s political career, kaya nagulat ako kay Sharon. Bakit siya nagkaganu’n?” pakli ni Helen.
Magmula noon ay hindi na sila nagkausap ni Sharon.
“Siyempre, masakit sa akin, kasi ako tiya niya. Nakakatanda ako ‘di hamak,” umiiyak na bulalas ni Helen, na nakababatang kapatid ng ina ni Sharon na si Elaine Cuneta.
“I took care of her. Ako halos nagpalaki sa kanya. I treated her like my own daughter, like my eldest child. The Lord knows how much I love her.
“Ang naiisip ko, siguro ‘pag masyadong yumayaman ang isang tao, nag-iiba. Nakakalimutan ang kanyang roots.
“I love Sharon so much na siguro nga, kung binigay siya sa akin ni Ate Elaine, hindi na ako nag-asawa at aalagaan ko na lang siya. My children still look up to Sharon as their ate.”
Sambit pa ni Helen, “Not because I’m saying this doesn’t mean I don’t love her anymore. Hanggang mamatay ako, hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya.
“Kaya lang siyempre, sumasama ang loob ko. I feel that it is not right na ang pamangkin ko ay masyadong matayog. I could feel that she’s so unreachable. Hindi ko na siya maabot.”
Pero kahit naghihinanakit, bilang pagtatapos ay nasabi ni Helen na, “In the long run, what really matters most is family. Politics is only politics. Nothing can replace family.”
***
Marami ang nag-abang kung ano ang magiging reaksyon dito ni Sharon nu’ng Miyerkules na lumabas ang nasabing interbyu kay Helen.
Dahil aktibo ang Megastar sa Twitter ay posibleng ito ang gamitin niya sa pagsagot sa isyu.
Walang opisyal na reaksyon si Sharon na nabasa namin sa kanyang timeline, pero may mga pahapyaw siyang reaksyon bilang sagot sa mga nagtatanong niyang Twitter followers.
Tanong ng isa, “Have you read Ricky Lo’s article today, an interview with your Tita Helen? I was shocked when she said you are ‘matayog’.”
Maiksing sagot ni Shawie, “Maybe she didn’t want to use a more ‘appropriate’ word.”
Narito pa ang iba niyang tweet responses na may konek sa isyu…
“Hmm... Really? Probably because of all the politics between my husband and Uncle Tito. We haven’t spoken in a while because of course, masakit sa amin ‘yon.”
“Nagulat ako du’n. Personal kasi ‘yung ‘di kami nagko-communicate.
Nagulat ako na imbes na sinabi niya why, or that kasi masama ang loob ko or niya, ‘yun ang napili niyang sabihin.
Sad din ako, kasi lalo lang sumama ang loob ko. ‘Di na ako kasi 12. ‘Yung kahit ano mangyari, quiet na lang at bulag at bingi.”
“God sees. God knows. I am at peace because I know these.
I am not shaken by what is said about me because I live an honest, peaceful, ‘humble’ life. So I trust God to fix what should be and I will obey Him and be still.”
“God said, ‘Be still, and know that I am God.’ One day, I shall give my side. For now, I let God take over. My conscience is clear.
I pray for others to be enlightened even as they evade the real issues and try to turn the tables around on me, on us. God sees. God knows. And I will be still. For now.”
Kahapon ay merong maiksi, pero makahulugang tweet si Sharon na, “Blood is not always thicker than water.”
may mali sa news or sa sinasabi ni tita helen. admin party or GMA si tito noong 2010 election. si kiko ang independent noong 2007.
ReplyDeleteIts true, Senator Tito Sotto never Mentioned anything bad about Sharon, which article and publication? Couldn't she be more accurate with her accusations? What a looser and a Mega Brat! Is she forgetting that Ms. Helen is her auntie? who is much much older than she is? Sharon should shut up and address her with respect. Seriously, family feuds should be addressed privately and not meddle with the media on who wrong and who is right. What is important here is the family values which i perceive she doesn't have.
ReplyDelete