KINUHA namin ang reaksiyon ng Artista Academy big boss na si Ms Wilma V. Galvantekung pabor siyang hindi natuloy ang merging ng TV5 at GMA-7?
“Hindi nag-merge? Bakit may pakialam ba ako roon , ha, ha, ha, ha?” tumatawang sagot sa amin.
Oo, dahil bilang nasa TV5 na siya ngayon, sabi namin, ”I was also part of GMA rati. Alam ko rin ‘yung strength ng network (GMA) at nakikita ko rin ‘yung strength nitong network (TV5) ngayon.
“Parang sabihin na lang na kung ganoon ang naging takbo ng pagkakataon baka naging good for both network, ‘di ba? Maaring hindi ginusto ng Diyos,” masayang sabi sa amin ni Ms Wilma.
Sa tingin ba ng dating head ng Entertainment sa GMA 7 ay kailangan ng TV5 ang network ni Atty. Felipe L. Gozon?
“Sa isang banda puwede kailangan, sa isang banda puwede ring hindi,” say sa amin.
Puwede dahil, ”because it’s a strong network! It’s a number one network. Marami siyang programs na number one and when you acquired that, it’s very strong,” paliwanag mabuti ni WVG.
“Sa isang banda naman, (TV5), you can also be very strong, you worked for it. Pero ayokong makisawsaw doon, ito lang ang tutok ko, talent development. Because I committed the ‘ Artista Academy ’ show and being part of the group who conceptualized it, tinutukan ko talaga, ganoon naman ako, hindi ako bibitaw talaga. Hanggang doon lang, hindi ako mangingialam sa iba,” paliwanag ng AA head.
May plano bang pakialaman ni Ms Wilma ang ibang programa ng TV5 na hindi nagri-rate?
Matatandaang si WVG ang ‘utak’ ng ilang programa sa GMA na nag-number one noong naroon siya dahil kapado niya ang pulso ng masa.
Napatitig sa amin ang isa sa bossing ng TV5 at napangiti, ”paisa-isa siguro, ito ( Artista Academy ) lang muna, kasi major ito, eh. Sa taong 2012, ito ang major project (AA), best brand that TV5 created. Ngayon kilala na ang ‘ Artista Academy ’ anywhere they’ll go and that’s good, nakatutuwa ‘yun,” sabi sa amin.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!