Wednesday, October 24, 2012

Pilipinas Got Talent Season 4 Na-move Next Year dahil Kay Kris at Ai-Ai


Minsan ko ng naibalita rito na ang 'Pilipinas Got Talent' (Season 4)' ay eere (dapat) ngayong October na papalit sa unang season ng 'The X Factor Philippines.' 


Di nagtagal nagbigay ako ng update sa PGT, from October ay nagiging November 17 na airing nito, na napalabas din sa TV, pero di na rin ito matutuloy.

Dahil sa pagiging busy ng dalawa sa judges nito na sina Mis. Kris Aquino at Ms. Aiai delas Alas sa gagawin nilang pelikula kasama si Vice Ganda na entry sa darating na Metro Manila Film Festival ay muling mauusog ang petsa ng pagpapalabas ng PGT4.

From November 2012, ay kumpirmadong sa 1st Quarter of 2013 na eto eere! Sa ngayon nga ay may isang Judges' Audition na silang nakuhanan at ito ay yung Cebu Audition. At dahil nausuog ang airing ng PGT4 ay inextend ng show ang Online Audition hanggang December 30 para mas marami pang talents ang masakasali sa biggest talent show ng bansa.

'Pilipinas Got Talent' (Season 4)' is still hosted by Billy Crawford and Luis Manzano. FMG will also return as a judge together with Kris And Aiai!

SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search