Dahil sa success ng "Be Careful In My Heart" ng ABS-CBN na pumalit sa timeslot ng "Kapamilya Blockbuster" ay inalis na rin ng GMA7 ang kanilang "Kapuso Movie festival" at pinalitan nila ito ng "Baker King". Ngunit mukhang hindi sapat ang naging aksyon ng GMA7 dahil mas lalong nalubog ang timeslot na yun nang umere ulit ang "Baker King". Nakakuha ang "Be Careful In My Heart" ng 19.3% versus "Baker King" 6%.
Panalo rin ang mga bagong palabas ng kapamilya na "Angelito: Batang Yugto" at "Pintada". Tanging "Faithfully" na lang ang panalo palabas ng GMA Afternoon Prime.
No.1 pa rin sa primetime ang "Walang Hanggan" ngunit kapansin-pansin na bumaba ang TV ratings nito na dating pumapalo sa 40%. Panalo naman ang "One True Love" ng Kapuso laban sa "Kapag Puso'y Nasugutan".
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!