Kinulit namin ang TV5 head for creative and entertainment na si Perci M. Intalan (PMI), nang makita namin sa Artista Academy auditions, tungkol sa TV5-GMA merger, at kung bakit hindi pa ito inaamin nina GMA-7 CEO Atty. Felipe L. Gozon (FLG) at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.
“Honestly, ang alam ko, hindi pa lahat ayos, hayaan ko na muna kung ano ang proseso nila. However, open naman sina Atty. Gozon to the idea at inaamin naman nilang there are talks going on. So ang tsismis ay mangyayari na, sana,” napangiting pahayag ni Perci.
Usap-usapan sa buong industriya ang pagsasanib-puwersa ng TV5 at GMA-7, na obviously raw ay para mas malakas anfg puwersa laban sa ABS-CBN.
Totoo nga ba ang tsika na si MVP ang mamamahala sa GMA at si Ms Wilma Galvante ang hahawak sa TV5?
“Well, to be clear, she’s (Wilma) not in any station, I don’t know kung interesado siyang bumalik sa GMA, kasi from the sound of it talaga, nag-move on na siya, eh.
“Hindi ko alam kung ano exactly ang puwede kong i-announce the way we see it. Si Boss (MVP), kapag maganda naman ang patakbo ng GMA and it’s running naman na, hindi na niya kailangang maglagay ng tao, supervision na lang siguro. Sa amin (TV5) naman, kami-kami pa rin, ‘yung dati.
“Ako, I’m happy kasi ‘yung dating competitor stations, ngayon magkasama na, it opens a lot of possibilities for us, kasi hindi na kami competitor sa isa’t isa. Puwede na talaga kaming magpatuloy, kasi ang maganda lang ang GMA mas conservative ang mainstream (programs), kami mas nag-e-experiment, alternative. So kung magpapatuloy kaming dalawa (GMA at TV5) na ganu’n, hindi kami magka-clash.
“Dito (reality shows) lang naman kami may clash, eh, kasi we’re doing Artista Academy and they’re doing Protégé, kasi kailangan namin ng artista at kailangan din naman nila, so ganu’n,” paliwanag niya.
Two against one na pala ang labanan dahil dalawang network na ang sasagupa sa Dos?
“Malaki rin naman sila (ABS-CBN),” napangiting sagot ni PMI. “Ah, kahit ‘di pa mag-merge, dapat na silang kabahan, ha-ha-ha,” biro ng TV executive sa amin.
“Hindi ganu’n, alam naman natin na si MVP, ang spirit na dala niya, ang corporate philosophy niya is really very aggressive and dynamic, so laging mayroong innovation na ginagawa at hindi lang sa TV, pati sa Telco, hospital… ‘kita n’yo naman ang nangyari sa Makati Medical Center when we took over.
“It’s something na kahit na hindi pa mangyari ang merger, ‘yun ang exciting sa industriya. Ang TV5 kasi marami na kaming nasubukan and somehow, medyo na-shake rin ‘yung industriya. Kasi before I came along, very standard na, pare-pareho ang soap, so ngayon, nag-iiba na. ‘Kita mo nga ang ABS, ang dami na rin nilang bagong ginagawa, ang GMA to be fair, ang dami na ring ginagawang bago na hindi ko sasabihing dahil ginaya nila kami, pero parang na-challenge sila to try out new things, otherwise, baka mauna pa kaming mag-try which is good.
“Kita ko nga ‘yung bagong soap ng ABS, eh, ‘yung Lorenzo’s Time, they’ve been doing a lot of soap na bago ang istorya, which is good. It’s something na hindi nila ginagawa before, dati mas traditional ang mga soap.
“Ngayon, nag-experiment na sila like 100 Days, Budoy, at itong Lorenzo’s Time which is very encouraging,” sabi pa ni Perci.
Source: Regee Bonoan
yabang ng taong to akala nya magaling...tsk tsk... sobrang yabang ng tv5 panis naman.
ReplyDelete