Tuesday, May 1, 2012

Marian Rivera afraid mag-comment kay Angel Locsin?!

AYAW mag-comment ni Marian Rivera sa napipintong proyekto na pagsasamahan nina Angel Locsin at Dingdong Dantes. 

Hindi naman daw siya kasali run kaya ang dapat lang daw pag-usapan ay ang bago niyang sitcom sa GMA7 na “Tweets For My Sweet” kung saan ay kasama sina Roderick Paulate, Sheena Halili, Chef Boy Logro, Elmo Magalona, Barbie Forteza, Mikey Bustos at Ms. Nova Villa. Ito’y sa direksyon ni Uro dela Cruz.

Hindi kaya siya magselos kay Angel?

“Ako na naman?” sey lang niya.

Balitang si Angelica Panganiban ang makakasama nina Dong at Angel sa direction ni Ruel Bayani.

Ang challenge ngayon ay kung maulit ang box office success ng pelikulang ‘No Other Woman’ nina Derek Ramsay, Anne Curtis at Cristine Reyes sa bagong ididirek ni Ruel Bayani.

Balita kasing ambisyon ng proyektong ito na maulit ang kinita ng ‘No Other Woman’ kina Angel, Dingdong at Angelica.
Talbog!


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search