Wednesday, May 16, 2012

Claudine Barretto bibigyan ng 'psychological treatment' ng Gabriela


Lumapit pala si Claudine Barretto sa Gabriela para humingi ng tulong dahil nagkaroon daw ito ng emotional trauma sa nangyaring gulong kinasangkutan nila ni Raymart Santiago kay Mon Tulfo.
Ayon kay Lana Linaban na Secretary-General ng Gabriela, humingi raw ng tulong sa kanila si Claudine kaya tutulungan nila ito.

Hindi raw sila makikialam sa kaso para alamin pa kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Humingi lang daw ng tulong si Claudine kaya tutulungan nila ito kung kinakailangan nito ng suporta ng naturang samahan.
Kung talagang emotionally stressed daw ito, nandiyan daw ang Gabriela para bigyan ito ng tamang psychological treatment para mabalik sa normal na takbo ang buhay nito.

Si Jennylyn Mercado ang isa sa tinulungan ng Gabriela at gusto ngang maging active member na ito ng naturang grupo ng mga kababaihan.

Napag-usapan nga raw ito sa Gabriela at kung kinakailangan daw itong tulungan, isa si Jennylyn sa tutulong kay Claudine.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ay binigyan si Jennylyn ng Award of Recognition ng Gabriela dahil sa nais nitong makatulong sa mga kababaihang dumaan sa karahasan o pang-aabuso.

Dumaan din kasi si Jennylyn sa karanasan na kung saan nasaktan siya na walang kalaban-laban kaya humingi ito ng tulong sa Gabriela.

Ngayon ay isa na siyang miyembro ng Gabriela at gusto ni Jennylyn na makatulong sa mga kababaihan na nangangailangan ng tulong.

Pormal na in-announce ito ng Gabriela sa kanyang fans day na ginanap sa bago at napakalaking Star Mall sa San Jose, Del Monte, Bulacan.

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search