Wednesday, May 30, 2012

Claudine Barretto at Raymart, guilty ba kaya hindi sumipot sa unang hearing?


HINDI sinipot ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto ang unang preliminary investigation na itinakda ng Pasay City Prosecutor’s Office kaninang alas-10:30 ng umaga.

Sa naturang imbestigasyon, didinggin ni Pasay City Assistant Prosecutor Manuel Loteyro ang kasong physical injuries at child abuse (Republic Act 7610), na isinampa ng showbiz couple laban kay veteran broadcaster/columnist Mon Tulfo.

Ang naturang mga kaso ay inihain ng mag-asawa laban kay Tulfo dahil sa nagkaroon umano ng pasa sa katawan si Claudine at nagka-trauma ang mga anak nito matapos ang naganap na kaguluhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6 ng taong kasalukuyan.

Tanging sumipot sa preliminary hearing si Mon Tulfo kasama ang mga abugado nito.

Ayon kay Asst. Prosec. Loteyro, wala siyang nakikitang problema sa di pagsipot ng mag-asawa dahil nagbigay lamang siya ng affidavit of reply kay Tulfo upang pasagutin sa loob ng pitong araw kaugnay sa mga kasong kinakaharap.
Gayunman, nakatakdang maghain ng mosyon si Tulfo para hilingin sa korte na i-consolidate o pagsamahin na lamang ang mga kasong isinampa sa kanya ng showbiz couple.

Muling itinakda ni Loteyro ang PI sa darating na June 5.

Bukas (May 30) nakatakda namang dinggin sa prosecutors office ng Pasay City ang isinampang kaso ni Mon Tulfo laban sa mag-asawang sina Claudine Barreto at Raymart Santiago.

Ang kaso ay may kaugnayan ito sa mga kasong grave threat, seriuos physical injuries at oral defamation.

SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search