Kumalat ang balitang nag-resign diumano si Direk Bobet Vidanes sa programa niyang It’s Showtime.
SOURCE
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan ang direktor at si Vice Ganda kaya matatandaan na nawala si Vice sa programa pansamantala.
“Totoong nawala ako sa Showtime dahil unang-una, meron akong tour sa Middle East na araw-araw kong pino-promote sa Showtime. ’Yun ang dahilan kaya ako nawala at alam ng buong staff ’yan. Alam ng management ng ABS-CBN. ’Yung issue namin ni Direk Bobet, hindi ako ang dapat mag-esplika o magpaliwanag sa bagay na ’yan. Si Direk Bobet ang dapat n’yong tanungin at kung siya ba ay nag-resign at iniwan na ba niya ang programa namin dahil sa akin,” paliwanag ni Vice.
Nilinaw din ng komedyante na walang nagaganap na isnaban sa kanila ni Direk Bobet dahil hindi naman sila nagkikita sa loob ng studio.
“Ayokong sabihin na sweet kami, okay kami kasi hindi rin kami nagkikita. Ayokong magpaka-ipokrita, ’yun na lang siguro ang maipagmamalaki ko sa mundo,” makahulugang pahayag ni Vice.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin napag-uusapan nina Vice at Direk Bobet ang isyu sa pagitan nila. Naaapektuhan na rin ang komedyante sa mga naglalabasang isyu laban sa kanya.
“Nasasaktan, siyempre tao ako. Parang napaka-ipokrita kapag sinabi kong hindi ako nasasaktan. Masyado naman akong nagtitigas-tigasan pero wala akong magagawa kundi piliin ko na lang na maging positibo sa likod ng mga bagay na ’to. Nasasaktan ako pero hindi ’yun ang magiging dahilan para mabawasan ang ngiti ko,” pagtatapat ni Vice.
Isang statement naman ang ipinadala ng pamunuan ng It’s Showtime para tuldukan na ang mga isyung naglabasan:
“Hindi totoo na si Direk Bobet Vidanes ay nag-resign sa It’s Showtime. Gayundin, walang katotohanan na si Vice Ganda ang dahilan ng nasabing pagre-resign. Amin nang nasabi na nawala ng maikling panahon ang dalawa sa show, dahil si Direk Bobet ay nag-Holy Week break at si Vice ay pumunta sa Middle East para sa ilang commitments.
“Patuloy ang pagbibigay-aliw at pag-asa ng Showtime. Sa April 28, Sabado, magaganap ang inter-town grand finals. Abangan din ang mga bagong pakulo ng programa simula sa Lunes, April 30.”
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!