UMABANTE na ang Filipino-American na si Jessica Sanchez sa Top 5 ng American Idol season 11.
source
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Ito ay matapos na makalusot ngayon ang dalaga sa eliminasyon ngayong umaga (gabi sa Amerika).
Unang tinawag si Jessica sa “safe zone.”
Ikalawang ligtas naman ay ang biriterong si Joshua Ledet.
Ligtas din si Philip Philips na sa unang pagkakataon ay hindi nagustuhan ni J-Lo ang performance kahapon (partikular sa ikalawang round).
Tuluyan nang napauwi ang teacher na si Elise Testone matapos na makakuha ng pinakamababang boto.
Nakasama ni Elise sa bottom 3 ay sina Hollie Cavanagh at Skylar Laine.
Kahapon sa performance night, nang awitin ni Jessica ang Dance With My Father ni Luther Vandross sa 2nd round, ay nadala ang mga Idol judge at sinabi na ang matagal na nilang hinahanap na emosyon sa dalaga ay lumitaw ng natural.
Kulang naman anila sa energy si Jessica ng awitin nito ang “pamatay” na awitin ng legendary rock band na Queen, ang “Bohemian Rhapsody” sa unang round.
Samantala, sa pagpasok ni Jessica sa Top 5, ay naungusan na niya ang isa pang Fil-Am na sumali rin sa American Idol noong 2007 na si Ramiele Malubay na umabot hanggang top 9.
Pinaka-successful na Pinay sa American Idol (so far) ay si Jasmine Trias na pang-3rd noong 2004 kung saan nasungkit ni Fantasia Barrino ang titulo ng kompetisyon.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!