NAKAUSAP namin si Direk Wenn Deramas, ang direktor ng Moron 5 and the Crying Lady na umabot ng P65-M ang kinita nito noong April 11, Thursday.
source: Hataw Tabloid
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Masaya siya dahil medyo nagparamdam ang Viva na dapat gawan ito ng sequel dahil sa lakas ng movie sa takilya na nagbukas noong Black Saturday.
Anytime now ay gagawin na nito ang isang Maricel Soriano at Roderick Paulate movie under Viva pa rin bago nito simulan ang kanyang last movie with Star Cinema, a Toni Gonzaga-Vice Ganda movie.
Aniya, ito ang huling pelikulang gagawin niya base sa kontratang pinirmahan sa nasabing movie outfit bago magtapos ang kanyang kontrata.
Samantala, mayroon pa siyang siyam na pelikulang gagawin naman sa Viva Films.
Inamin nitong noong isang taon pa nakahanda ang kontratang muli nitong pipirmahan pero he’s just taking his time dahil ang kanyang manager na si Ms June Rufino ang nakikipag-usap sa Star Cinema people.
May tsika tuloy na masama pa rin ang loob ng box-office direktor sa Star Cinema dahil sa Tanging Ina .. controversy sa ginamit dito bilang titulo sa Vic Sotto-Ai-ai Delas Alas MMFF entry noong nakaraang taon. Hence, hinayaan na lang nito ang kanyang manager na si Ms. Rufino ang nakikipag-negotiate sa pamunuan ng Star Cinema.
“Hindi naman, gusto pa rin naman gumawa ng movie sa kanila. Ako pa nga ang nag-request noon sa kanila na gawin nila akong ‘Chaning Carlos ng Star Cinema.”
Bata pa si Direk Wenn ay nanonood na ng movie na gawa ng Sampaguita at dito niya kinuha ang kanyang mga idea sa pagggawa ng movie.
“Wala akong formal training sa film making pero dahil passion ko talaga ang paggawa ng pelikula kaya gusto kong ibalik ang mga nakatatawang eksena sa mga pelikula.”
Speaking of Vice, idinepensa niya ang kanyang real-life friend sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan.
Aniya, “Hindi naman lahat ng mga nababalita ay totoo eh, kilala ko si Vice eh. Minsan, unfair na ‘yun lumalabas sa kanya kasi hindi na totoo. Kasalanan ng ibang tao sa kanya isinisisi. Hindi naman talaga masamang tao si Vice para maging deserving siya sa lahat ng mga nangyayari pero dahil sa magaling siya at ang importante naman sa negosyo natin ay magaling ka at may karisma ka sa tao.”
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!