Mabibigo ang mga magtatangka na interbyuhin si Jose Manalo tungkol sa pag-iingay ng kanyang misis na si Annalyn.
SOURCE
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook
Napagpasyahan ng kampo ni Jose na hindi ito magsasalita tungkol sa pagdedemanda sa kanya ni Annalyn ng bigamy at violence against women and their children.
Nagsampa na ng kaso si Annalyn sa korte kaya wala nang dahilan pa para magsalita si Jose at kung sasagot ito, ang korte ang proper venue.
Kung ako ang manager ni Jose, hindi ko rin siya papayagan na patulan ang pag-iingay ng kanyang misis. Patatahimikin ko siya alang-alang sa kanilang mga anak na walang malay at nadadamay sa sigalot nila.
Kung ayaw ni Annalyn na magpaawat sa pagsasalita, wala tayong magagawa pero dapat niyang tanggapin ang magiging kapalit ng kanyang mga pag-iingay.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!