Wednesday, July 18, 2012

Grace Lee hindi welcome mag-guest sa Kris TV


HINDI pala welcome si Grace Lee na mag-guest sa Kris TV ni Kris Aquino.

May nagtanong kasi kung papayag si Kris na maging guest niya sa morning talk show ang Korean host na minsan ay naging malapit sa kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino.


Walang kagatol-gatol ang naging sagot ni Kris, hindi puwede.

“Honestly it wouldn’t be proper. PNoy is our president & my kuya. I’ve learned to respect his privacy 100% ,” esplika ni Kris.
Ayaw sigurong mapagbintangan ni Kris na ginagamit si Grace. Or ayaw din niyang mapagalitan siya ng elder brother dahil tiyak na lilikha ng intriga ang guesting ni Grace sa kanyang show kung sakaling matuloy ito.

But we feel na hindi talaga possible ang guesting dahil unang-una ay baka hindi pumayag ang GMA-7 dahil talent nila ang Koreana. Secondly, wala na namang dapat pag-usapan dahil tapos na ang panahon ng pakikipag-date ni P-Noy kay Grace.

source: hataw
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search