Wednesday, July 18, 2012

GMA-7 News Staffs uupuan ang mga TV5 News programs para mag-rate


UMPISA ngayong Agosto ay may taga-GMA7 na uupo sa news department ng TV5 at say mismo sa amin ng taga-Singko ay pitong programa ang mawawala sa nasabing departamento.

“Pero hindi mawawala ang show ng Tulfo brothers kasi malakas at mataas ang ratings,” paniguro naman sa amin.


Cost-cutting daw ang ibinigay na dahilan pero ang totoo, tatanggalin ang mga hindi nagre-rate na shows sa news department at lilinisin ang mga taong may mga record kasi ‘yung iba may mga ginagawang hindi maganda. 

“Nagkakaroon kasi ng takipan sa kapag tao ka ni ganito o ni ganyan kaya lahat ‘yun lilinisin,” katwiran pa sa amin.

May mga anomalya pang nabuking sa news department ng Singko kaya maglalagay daw ng taong taga GMA 7 at para makatulong din sa mga bagong show, pero hindi naman daw mawawala ang head ng news department ngayon na si Ms. Luchie Cruz-Valdes.
“Para magkatulungan sila kasi nga hindi nagri-rate ‘yung ibang shows sa news (department) ng Singko. Same rin naman, may tao rin naman si MVP na look out sa GMA,” paliwanag pa sa amin.

Ganito rin daw ang mangyayari sa production department ng TV5 at hindi lang nabanggit pa sa amin kung anong mga programa ang mawawala.

source: hataw
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search