Wednesday, March 21, 2012

Launching movie ni John Lapus, lalangawin?

PASINTABI kay Luis Manzano, pero sila lang nina Billy Crawford at Martin Escudero ang talagang may dating sa kanilang latest movie na Moron 5 & The Crying Lady na pinagbibidahan ng da omen sa box office like Marianita Rivera na si John Lapus
Yes, kahit na ilang libong beses pang magpatawag ng press visit ang mga producer nito at kahit pa si Wenn Deramas ang director ng launching movie na ito ni John, sad to say, nangangamoy flopsina talaga ang pelikula.

Honestly, aminin na nating hindi magaling na komedyante si John kaya imbes na matatawa ka sa kanya, kaiinisan mo ang kakornihan ng kanyang jokes at starlet na starlet ang dating nito compared sa mga gay stand-up comedians diyan.

Porke ba tinanggap si Vice Ganda ng moviegoers, ang feeling naman ni John at ng kanyang mga producer ay magtatagumpay rin siya? Maling-mali ang kanilang desisyon lalo pa’t matagal ng pinaglipasan ito ng panahon. We heard na tumutulong pa raw, my BFFT Pete A., si Ai-Ai de las Alas sa publicity nito.
Kami na ang nagsasabi Ms. Ai na sayang lang ang effort mo dahil di talaga ito maghi-hit. Siguro kung kasama ka sa pelikula ay may pag-asa pang kumita. Da height! kahit na sabihing nagbibiro pa sila, ang lakas naman ng tama nila para sabihing kikita ng 800 million ang pelikula nilang ito. Hahaha! You mean, baka naman 800,000. Ha’y naku! Kahit pa ipangalandakan pa ni John na daks ang isa sa leading men niya rito na si Billy, keber ba ng mga taong panoorin siya.

Yes, babangawin talaga sila sa takilya.

Walang himala gyud!


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search