Thursday, July 19, 2012

TV5 iniksian ang oras ng Wil Time Bigtime at bawal na itong mag-overtime


‘Katuwa ang presscon ng TV5, kung saan, ini-launch ang mga bagong shows nilang Third Eye, Enchanted Garden at Artista Academy. Ang da­ming artista sa venue ng presscon/launching, kaya lang nag-alisan agad.


Agad nawala sina Cesar Montano, Marvin Agustin at Ruffa Gutierrez. Absent sina Rufa Mae Quintoat Edgar Allan Guzman na parehong may sakit. Hindi na rin namin nakita sina Daniel Matsunagaat Zoren Legaspi.

Anyway, starting July 30, may pagbabago sa primetime block ng TV5, papasok ang Enchanted Garden ng 6:30 pm., bago ang Wil Time Bigtime na one hour and a half na lang at susunod ang Artista Academy. Sanay sa mahabang oras ng kanyang show si Willie Revillame, sana nga hindi siya mag-overtime para pumasok sa oras ang AA.
Mag-a-active na pala uli sa showbiz si Snooky Serna at ngayong araw nga, pipirma siya ng panibagong kontrata sa Regal Entertainment. Suwerte si Snooky na hindi nagsasawa sa pagtulong at pag-alalay sa kanya si Mother Lily.

source: pilipino star ngayon
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search