Thursday, June 7, 2012

Star Cinema Executives ayaw patulan si Crity Fermin


KUNG ang feeling ni Manang Cristy Fermin ay maaalarma ang mga Top Executive ng Star Cinema sa sunud-sunod na birada niya sa kanyang mga kolum sa mga magaganda at quality films na pinu-produce ng nasabing number one movie outfit, pwes, nagkakamali ang gurang na golden girl dahil unang-una, wala naman itong alam sa kalakaran ng film making dahil ang alam lang nito ay manira ng kapwa at mag-ala balatagtasan sa hindi nagri-rate na Juice-less.

Bakit ba tila galit na galit ito at sour graping sa ABS-CBN na minsa’y nagpala sa kanya? Hindi naman nila kasalanan kung bakit natigbak ka sa The Buzz. It’s all your fault orocanang chaka at oslang TV host. Wala ka na kasing ginawa kundi bantayan ang mga pelikula ng Star Cinema at sira-siraan ang mga ito.

Bakit? Nagpalabas ba sila ng press release na blockbuster ang movie ni Piolo Pascual at Angelica Panganiban na Every Breath You Take? Oo, hindi siya hit na hit pero nakabawi naman sila. Pero rito sa Born To Love You na unang tambalan nina Coco Martin at Angeline Quinto, timbog ka Manang Cristy dahil as of presstime, maganda ang resulta nito sa takilya. Another thing, ano bang alam mo sa film making? Kaya po dumidiskubre ng mga new talent ang Star Cinema at bigyan nila ng break ang mga ito ay para mag-evolve naman ang ating movie industry. 
And for Angeline na newcomer pa lang at Coco na mas nakilala sa Indie, hindi na talo ang Star Cinema sa naging outcome ng project ng dalawang ito sa box-office. Hay naku! Manang Cristy, ‘yung movie ninyo ni Barbara Luna noong 80′s ang flopsina kung saan gumanap kang extra rito.

‘Di kaya pati ang sequel ng blockbuster movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora & The Temple Of Kyeme ay ipi-predict mo na naman na flop? Hello! Ikaw ba si Madam Auring?

Ngayon pa lang ay sinasabi na naming tiyak na SRO ang lahat ng sinehan na pagtatanghalan ng latest comedy movie ni Eugene with two hunks leading men Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo. Palabas na ito sa darating na June 13 sa mahigit 100 Theaters nationwide. Magnganga ka lang gyud!

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. may sayad kasi yang si fermin.

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search