Thursday, June 7, 2012

Movie ni Angeline Quinto, kumita dahil kay Coco Martin


Hindi nakapagtataka kung tulad ni German Moreno ay magtagal din ng husto at sumikat ng todo-todo si Coco Martin. Paano kasi nakaka-relate sa kanya ang

masa. Hindi niya itinatago ang kanyang pinagmulan. Hindi siya nahihiyang sabihin na iba-ibang trabaho ang kanyang pinasok bago siya naging artista ng

in­die film at finally ay nakilala sa telebis­yon.

Proud siya na sabihin lalo na kapag O­ver­­­­seas Filipino Workers ang audience niya na nag-janitor siya’t nag-housekeeping sa ibang bansa.
Isang success story si Coco na dapat kunan ng inspirasyon at pamarisan. At kahit anong sabihin ng mga detractor niya laban sa kanya ngayon, the fact remains that Walang Hanggan is registering an all-high rating at kahit gaano kasikat ang mga kasamahan niya rito, siya ang ibinibenta ng serye.

Sa kanyang kredito rin ang tagumpay ng Born to Love You na bagaman at si Angeline Quinto ang inilulunsad, kung hindi siya ang kapareha nito, naging matagumpay din kaya ito?

SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. I doubt. I don't think dahil LANG kay Coco at bumenta ang BTLY. Bumenta talaga movie nila dahil sa kanilang dalawa. Di naman kasi mapagkakaila na maraming supporters si AQ, at ganun din si Coco. Kaya feeling ko dalawa talaga sila nagcontribute in making their movie sucessful.

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search